Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boga ng ‘igan nakalabit, senglot tigok

PATAY ang isang 43-anyos lalaki nang aksidenteng makalabit ang gatilyo ng baril ng kanyang kaibigan sa Tondo, Maynila kahapon.

Binawian ng buhay habang dinadala sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Rogelio Dalida, 43, ng 2127 V. Serrano St., Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO3 Michael Maraggun, imbestigador ng MPD-Homicide Section, dakong 2 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng isang bahay sa 2130 Interior 13, S. Trinidad St., sa nasabing lugar.

Dakong 7 a.m. habang nakikipag-inoman ang biktima sa ilang kapitbahay nang dumating isang kaibigan na may dalang hindi nabatid na kalibre ng baril.

Habang kausap ang biktima kaugnay sa papasukang trabaho ay ipinagyabang ng lalaki ang kanyang baril.

Kinuha ng biktima ang baril, inusisa ito at pabirong itinutok sa kanyang ulo ngunit biglang pumutok.

Kasalukuyang inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng lalaking may-ari ng baril na tumakas makaraan ang insidente. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …