Sunday , December 22 2024

Apela sa DILG imbestigahan QC kapitan

UMIINIT ang panawagan mula sa mga lehitimong manininda ng Mega Q-Mart sa Department of Interior and Local Government (DILG) na papanagutin ang isang mataas na opisyal ng Barangay E. Rodriguez sa Lungsod ng Quezon na umano’y nasa likod nang pangingikil sa kanila.

Hiniling nila kay DILG Secretary Mel Senen Sarmiento na maimbestigahan si barangay chairman Marciano Buena Agua Jr., at ang ilan sa kanyang mga Barangay Public Safety Officers (BPSOs) matapos ang pagbaligtad at paglalahad ng dalawa pang BPSOs ng alegasyon ng katiwalian laban sa kanila.

Anila, ang ganitong imbestigasyon ay magiging daan din upang mabigyan ng pagkakataon si Agua na magpaliwanag at linisin ang kanyang pangalan sa kontrobersiyang kinasasangkutan.

Nanawagan din ang grupo kay Quezon City Mayor Herbert Bautista na itigil ang nagaganap na kotongan sa mga manininda at biyaherong nagbabagsak ng kanilang kalakal sa nasabing pribadong pamilihan na kinsasangkutan ng nasabing punong barangay.

Umani ng batikos ang pamunuan ni Agua matapos magsampa ng magkahiwalay na reklamo ng extortion sa Office of the Ombudsman sina Felix Morados at Helen Cañete noong Nobyembre 23 laban kina Agua at BPSOs Wilmer Peñaflor, Joel Canonoy at Marlon Tadeo na umano, habang sila ay nagbababa ng kanilang paninda ay lumapit sina Tadeo at binantaang titiketan dahil sa paglabag sa batas trapiko kung hindi sila magbibigay ng P300 bawa’t delivery jeep o trak.

Nitong nakaraang Nobyembre 12, naghain ng reklamo sina Marilyn Almares, Mark Reil Comia, Hermogenes Untalan at Larry Suares ay laban kina Agua, Peñaflor, Canonoy, Tadeo at Rogelio Pineda sa alegasyon nang pangongotong sa kanila ng P300 kada jeep o trak na magbabagsak ng kanilang paninda.

Dalawa sa BPSOs ng Barangay E. Rodriguez ang kusang-loob na nagsumite ng sinumpaang salaysay na nagdidiin kay Agua na siya umano ang nasa likod ng nasabing ilegal na gawain.

Ayon kay Pineda, hindi na kinaya ng kanyang konsensiya ang “ginagawa namin na  kautusan ng aming Punong Barangay.”

Sa sworn affidavit ni BPSO Edwin Trijo, noong buwan ng Oktubre, siya ay inabutan ng isang biyahero ng P300 na may kalakip na papel kung saan nakasulat ang numero ng plaka ng kanyang sasakyan.

Ayon kay Trijo, may kutsabahang nagaganap sa pagitan nina Agua at ng mga BPSOs.

RE

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *