Friday , November 15 2024

Umento sa SSL pasado na sa Senado (Para sa public sector)

PASADO na sa pangatlo at pinal na pagbasa sa Senado ang Senate Bill 2671 o mas kilala sa Salary Standardization Law-IV (SSLIV)

Sa botong 14-0 na walang abstention, ipinasa ng mga senador sa kanilang sesyon nitong Lunes ng hapon ang panukalang batas na nagtatakda ng umento sa sahod ng mga empleyado ng pamahalaan.

Sa kabuuan ay may P225.8 bilyon pondo para sa SSL na ibibigay sa loob ng apat na taon, at sa taon 2016 ay nasa P57 bilyon ang inilaang pondo.

Sakaling agad maisabatas, magiging epektibo ang umento sa sahod ng mga manggawa ng gobyerno sa Enero 1, 2016.

Magugunitang inaprubahan na rin sa Kamara ang counterpart ng naturang panukalang batas.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *