Saturday , November 23 2024

Sabong Online namamayagpag na sa internet

online sabongISA ako sa mga nagulat nang lumabas ang balita na namamayagpag pa rin pala ang sabong online sa internet.

Lumalabas na ang base ng kanilang operasyon ay naririto sa ating bansa pero malamang ang naaabot nitong mananaya ay hanggang sa ibang bansa.

Hindi po virtual ang sabong online gaya sa ibang computer games.

Ang modus operandi, mayroong videographer na siyang kumukuha sa nagaganap na sabong sa isang legal na cockpit arena.

Siyempre naka-set-up din ang laptops, desktop computers, internet modems, LTE broadbands, audio mixers, video switchers at mga camera na gamit sa broadcast online.

Kaya nagkakaroon ng tayaan. Dahil hindi naman ito lisensiyado at rehistrado sa mga kaukulang ahensiya ng gobyerno, siyempre illegal ang online sabong na ito.

Hindi pa pinag-uusapan diyan kung mayroong nagaganap na estafa sa mga nananalo.

Pero ang klaro rito, illegal ang pagpapataya ng mga sabong online na www.sabongtambayan.com, www.sabongworld.net,  www.sabongcavite.com, www.sabongch.com, www.sabongbisaya.com, www.sabongglobal.com, www.sabongprince.com, www.sabongtayo.com, www.sabongiloilo.com, www.sabongpoint.com, www.sabongkabayan.com, www.sabongbig5.com, www.sabongnow.com, www.sabongN.com, www.sabongquezon.com, www.marangalsabungero.com, www.sultadahan.com, www.sultadahan2.com  www.kakaruksabong.com, www.sabongw.com, www.sabongarena.net,  www.esultada.com.ph, www.sabongbatangas.com, www.sabong5.com, at www.sabongqueenlive.com

‘E ano palang ginagawa ng Games and Amusement Board (GAB) at ng National Telecommunications Commission (NTC)?!

Ano kayo riyan, nganga at pakaang-kaang lang?!

Naunahan pa kayo ng National Bureau of Investigation (NBI) para sudsurin ‘yang mga ilegal na sabong online na ‘yan!

Kumilos kayo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *