Sunday , December 22 2024

9 lalawigan signal no. 3 kay ‘Nona’

TUMAWID na ang bagyong Nona sa dulong bahagi ng Northern Samar, makaraang mag-landfall kahapon dakong 11 a.m. sa Brgy. Batag ng bayan ng Laoang sa nabanggit na probinsya.

Taglay ng bagyong Nona ang lakas ng hangin na 150 kph at pagbugso ng hangin na umaabot ng 185kph.

Ang bayan ng Laoang ay nasa bahagi na ng dagat Pasipiko.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran sa bilis na 17 kph. 

Dakong 1 p.m. kahapon, ang sentro ng bagyo ay nasa bahagi na ng Catarman, Northern Samar.

Nakataas na sa Signal No.3 ang Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Masbate kabilang ang Burias Islands at Ticao Island, Sorsogon, Albay, Catanduanes, at Camarines Sur

Habang Signal No.2 sa Leyte, Romblon, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Batangas, at Laguna.

At Signal No.1 sa Metro Manila, Dinagat at Siargao Islands, N. Cebu, N. Negros Occidenal, Capiz, Aklan, Cavite, Quezon, at Rizal.

‘Nona’ nag-2nd landfall na sa Sorsogon — PAGASA

NAG-SECOND landfall na ang mata ng bagyong Nona sa bahagi ng Sorsogon, makaraan ang unang landfall nito dakong 11 a.m. kahapon sa Batag Island sa Laoang, Northern Samar.

Ayon sa Pagasa, mula sa Northern Samar ay tumawid ang bagyo sa Matnog, Sorsogon at tinatahak na ngayon ang bahagi ng Burias island.

 May lawak pa rin ang bagyo ng 300 diametro.

Napanatili pa rin nito ang lakas.

Taglay ni “Nona” ang lakas ng hangin malapit sa gitna na umaabot sa 150 kph at pagbugso ng hangin na nasa 185 kph.

Kumikilos pa rin ito sa direksiyon na kanluran sa bilis na 17 kph.

PHIVOLCS nagbabala ng lahar sa Albay at Sorsogon

NAGPALABAS ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng lahar warnings sa mga probinsiya ng Albay at Sorsogon sa Bicol dahil sa bagyong Nona.

Minabuti ng Phivolcs na magpalabas na ng abiso dakong umaga kahapon sa pangamba na magdulot ang kasalukuyang nararanasang bagyo nang matinding landslides at erosion ng mga naipong lahar sa bunganga at gilid ng bulkang Mayon.

Ito ay dahil maaaring magdulot ng pagbaha ng lahar sakaling magtagal pa ang bagyo sa nasabing probinsya.

Inalerto rin ng Phivolcs ang mga residente malapit sa bulkang Bulusan sa “potential moderate volume lahars,” dahil din sa ulan na dala ng bagyo.

Payo nila na manatiling mapagmasid at alerto sa lahat ng mga lugar na apektado ng bagyo.

Halos 8,000 pasahero stranded

HALOS umabot na sa 8,000 pasahero ang naitalang stranded sa mga pier dahil sa bagyong Nona.

Sa data ng Philippine Coast Guard (PCG), 7,934 ang bilang ng pinigil na mga pasahero sa Luzon at Visayas.

Bukod dito, naka-hold din ang 62 barko, 11 motor banca, at 552 rolling cargoes.

Inaasahang madaragdagan pa ito makaraang tumama sa lupa ang sentro nang binabantayang sama ng panahon.

Kabilang sa mga kanselado ang biyahe ng barko ang mga lugar sa ilalim ng public storm signals 1-3.

Babala ng PAGASA 3.5 metrong daluyong paghandaan

NAGBABALA ang Pagasa sa mga lugar na daraanan ng bagyong Nona sa posibleng pagkaroon ng daluyong (storm surge).

Pinakamataas na posibleng maranasang daluyong ang natukoy sa Tarangan, Samar na aabot sa 3.0 hanggang 3.5 metro (m).

Habang ang Santa Margarita at Calbayog ay tinatayang makararanas ng 2.0 hanggang 2.05 m taas ng alon.

Tinatayang aabot ng 1.0 hanggang 1.5 meters sa Allen at Lavezares sa Northern Samar.

Ang mga bayan ng Arteche at San Policarpio sa Eastern Samar ay magkakaroon ng 0.5 hanggang 1.0 m taas ng alon.

Gayondin ang Bobon, Capul, Catarman, Mondragon, Laoang, Pambujan, San Jose, Rosario, Laping, Mapanas, Palapag, San Isidro, San Roque, Victoria, Biri, at San Vicente, Northern Samar.

Inalerto din ng Pagasa ang mga lugar sa Sorsogon kabilang ang Barcelona, Bulusan, Gubat, Matnog, Santa Magdalena at Irosin, gayondin sa Batuan, Masbate.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *