Saturday , November 23 2024

Police escorts ng politikong tatakbo sa 2016 Polls ire-recall

PNPNitong nakaraang linggo pinaalalahanan ng pamunuan ng PNP Security Protection Group (PSPG) ang mga opisyal ng pamahalaan na mayroon na lamang hanggang Enero 10, 2016 para ibalik ang kanilang security escorts sa pambansang pulisya.

Sinabi ni PSPG spokesperson Supt. Rogelio Simon, sinimulan na nilang bigyan ng ‘notification’ ang government officials hinggil sa gagawing recall ng kanilang mga tauhan.

Hindi raw ‘exempted’ ang presidentiables gaya nina Vice President Jejomar Binay, dating DILG Sec. Mar Roxas at Senator Grace Poe.

Nasa 200 tauhan ng PSPG ang kasalukuyang naka-deploy sa mga politiko.

Sa sandaling ma-recall na ang nasabing police escorts ay matetengga muna sila sandali sa kanilang headquarters hanggang muling mai-deploy.

Ang request ng police security escort ay idaraan na ng mga tatakbong kandidato sa Comelec na mag-aapruba sa kanilang request.

Limitado rin sa apat ang maaaring mai-deploy na bodyguards sa mga politikong kakandidato sa susunod na taon.

Maximum na dalawa ang maaari nilang i-deploy na PSPG personnel sa isang kandidato at dagdag na dalawa na maaaring hugutin sa private security agencies.

Okey, klarong-klaro naman pala ang notification ng PSPG.

By the way, ‘yung mga kandidato lang ba ang tatanggalan ng bodyguards?

How about, ‘yung private persons na nakakuha ng bodyguards sa PSPG? Lalo na ‘yung mga medya-medyang dosena ang bodyguards na parang laging susugod sa giyera, hindi ba sila babawian ng bodyguards?!

‘Yung mga Chinese and Korean Casino players, hindi ba sila kasama sa tatanggalan ng police escorts?!

Bakit naman kandidato lang?! E baka hindi natin alam ‘yang private persons na ‘yan ay nakasuso pala kung kani-kaninong politiko?!

Habang ‘yung mga Chinese and Korean Casino players ay miyembro naman ng mga sindikato?!

Bukod sa PSPG, marami ring politiko at private persons ang may sariling private armed groups (PAGs).

Ayon mismo kay PNP Chief, DG Ricardo Marquez, banta sa 2016 elections ‘yang mga PAGs na ‘yan.

Aba ‘e pagsabayin na ninyo, ang pagbawi sa mga politiko man o sa  pribadong  tao lalo ‘yung may mga MEDYA-MEDYANG dosenang bodyguard.

Unahin ‘yung mga nanghihiram ng tapang sa baril lalong-lalo na ‘yung mga utak-pulbura!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *