Friday , December 27 2024

Naitakwil na kaya ni Sen. Chiz Escudero ang alak sa sistema ng kanyang buhay?

chiz escuderoMINSAN na nating nabasa sa isang kapwa kolumnista na ang isa sa mga problema ng ibang tao kay Senator Francis “Chiz” Escudero ay ‘yung kapag siya ay nakainom ng alak.

Maingay, mapagmura at parang hindi na alam kung ano ang kanyang ginagawa.

Ganyan daw si Chiz kapag nakainom ng alak. Hindi kasi siya moderate drinker.

Malayong-malayo ‘yan sa ipinakikita niya sa publiko na very cheesy ngumiti at napaka-gentleman.

Isang tipikal na bar goer, nahirati si Chiz na humawak ng bote at baso, kahit saang okasyon siya maimbitahan.

Kaya kung ang okasyon umano ay bitin para sa kanyang pag-inom o hindi niya puwedeng ipakitang siya ay malakas na manginginom, kailangan niyang lumipat sa kanyang paboritong bar para ituloy ang kanyang pag-inom.

Hindi ba’t ito rin ang naging problema sa kanya ng mga magulang ng kanyang misis ngayon na si Heart Evangelista?!

Hindi ang economic status ni Chiz ang dahilan kung bakit ayaw sa kanya ng mga Ongpauco noon.

Ayaw ng mga Ongpauco noon ang ugali niyang humaharap nang lasing sa kanila, bilang magulang ng kanyang girlfriend at sa hinaharap ay magiging biyenan.

Kahit na siguro sinong pamilya, konserbatibo man o hindi, mayaman man o mahirap, ay hindi magugustuhan ang pagharap sa kanila ng nobyo ng anak na amoy-alak at umaastang parang sanggano.

‘E di lalo na sa mga Ongpauco na kilalang konserbatibo at sabi nga ay may Chinese roots.

Sabi nga noon ng mga magulang ni Heart, natuwa sila nang mabalitaan na ang kanilang anak ay nakikipagkita sa isang senador na matalino at popular sa masa.  

Kaya talagang nagulat sila nang humarap sa kanila si Chiz na lasing at sumasablay sa good manners and right conduct (GMRC).

Hindi natin alam kung naresolba ang isyung ito sa mga Ongpauco, pero ang alam ng madla, hindi dumalo sa kasal nila ni Heart ang mag-asawang Reynaldo at Cecile.

Dahil sa pagkahilig sa alak, hindi nakapagtataka na ang kanyang unang asawa ay nakilala niya sa isang hotel lobby habang kumakanta at siya naman ay nag-iinom.

At lalong hindi nakapagtataka kung sa isang party rin nagkita sina Chiz at Heart.

At s’yempre as usual, hawak ang basong may alak.

Kaya nga marami ang nagtatanong ngayon, naitakwil na ba ni Chiz sa sistema ng kanyang katawan ang alak?!

Totoo namang bihira sa mga politiko ang hindi manginginom.

Pero bihira rin ang mga kagaya ni Chiz na nagkakaroon ng kakaibang personalidad na parang “Dr. Jekyll & Mr. Hyde” kapag lumalabis ang iniinom na alak.

Sabi nga ng mga bisaya, “Mauy gyud si Chiz!”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *