Saturday , November 23 2024

MIAA employee na nag-uwi  ng gintong medalya binalewala ni GM Honrado?!

bodetGINTONG medalya ang iniuwi ng isang empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) para sa karangalan ng bansa mula sa 1st ASEAN Civil Service Games na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia dahil sa kanyang kahusayan sa Bowling pero mukhang wala raw itong importansiya kay GM Bodet Honrado.

Magiging lubos sana ang kasiyahan ni Oscar ‘Oca’ Abuan, organic personnel ng MIAA na nakatalaga sa Ninoy Aquino International (NAIA) terminal 3 kung kikilalanin siya ng kanilang bossing.

Hindi na siguro kailangan ng seremonya. ‘Yung ipatawag lang ni GM Honrado si Abuan sa kanyang tanggapan at kamayan, aba nakatataba na ng puso ‘yun.

E ‘di lalo na kung bibigyan pa ni GM Honrado ng incentives dahil sa lahat ng mga atleta mula sa iba’t ibang  sangay ng gobyerno na pinili base sa resulta ng kanilang laro sa Government Corporation Athletic Association (GCAA) ‘e si Abuan lang ang walang Daily Subsistence Allowance (DSA) na dapat ay ibigay ng kanyang mother unit.

Ang siste pa, ni hindi rin siya nabigyan kahit ng sapatos na pamparada.

Sabi nga ni Abuan, “Kahit na walang suporta ang MIAA sa akin ay pinag-igihan ko pa rin ang laro sa bowling (individual) kaya napanalunan ko ang gold medal pero hanggang ngayon hindi pa rin ako binibigyan ng parangal ng aming general manager.”

Ani Abuan, 60 contingents mula sa 10 bansa sa Southeast Asian Nation ang lumahok sa paligsahan at ito ay kinabibilangan ng Malaysia, Singapore, Malaysia, Vietnam, Myanmar, Thailand, Indonesia, Philippines, Brunei Darrusalam at Republic of Lao.

Mantakin ninyong sa dami ng mga bansang naglaban ay nakakuha ng medalyang ginto si Oca Abuan?!

Aba, GM Honrado, ano pa ang hinihintay ninyo? Organic employee ninyo si Abuan, hindi ba karangalan ‘yang iniuwi niya, hindi lamang para sa MIAA o sa CSC kundi para sa buong bansa rin.

Oca, mabuhay ka! Tunay kang dangal ng MIAA at ng Filipinas at ikinararangal ka ng maraming Filipino!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *