Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Killer ng ina ni Cherry Pie habambuhay kulong

1211 FRONTIBINABA na ng Quezon City Regional Trial Court nitong Huwebes ang hatol sa suspek sa pagpatay kay Zenaida Sison, ina ng aktres na si Cherry Pie Picache.

Pinatawan ni Judge Alfonso Ruiz ng reclusion perpetua ang suspek na si Michael Flores.

Pinagbabayad din siya ng P1,245,000 danyos bukod pa sa P50,000 bayad para sa moral damages at P50,000 para sa civil indemnity.

Ikinatuwa ng pamilya ng aktres ang naging hatol ng hukuman at sinabing agad nilang bibisitahin ang puntod ni Sison.

Nasa kamay na ng Bureau of Jail Management and Penology si Flores.

Nauna rito, inamin ni Flores ang pagpatay sa biktima.

Sa kanyang sinumpaang salaysay, inilahad niya ang panloloob sa bahay ng biktima.

Nanlaban aniya ang biktima na nagtulak sa kanyang patayin ang ginang gamit ang isang kahoy mula sa sirang pinto at kutsilyo mula sa kusina ng biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …