Friday , November 15 2024

77 APC donasyon ng US dumating na sa Subic

DUMATING na kamakalawa ng gabi ang unang batch ng mga Armored Personnel Carrier (APC) na ibinigay ng Estados Unidos sa Filipinas sa ilalim ng US Excess Defense Article Program.

Nasa 77 M113A2 APC ang dumating sa Subic bilang unang batch.

Nasa 114 kabuuang APC ang ido-donate ng US sa Armed Forces of the Philpines (AFP).

Sa ilalim ng EDA, pinapayagan ang Estados Unidos na libreng ibahagi sa mga kaalyadong bansa ang mga kagamitang militar na sobra sa kanila.

Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief, Col. Noel Detoyato, ang pagbiyahe sa mga nasabing tangke patungong Filipinas lamang ang ginastos ng pamahalaan na nagkakahalaga ng P67.5 milyon.

Ang nasabing hakbang ng Amerika ay bilang tugon sa formal request ng AFP na tulungan sila sa mga hakbangin na gawing moderno ang defense system ng Filipinas.

Samantala, nakatakdang dumating sa Lunes, Disyembre 14, ang ikalawang batch ng 37 tangke mula sa U.S.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *