Sunday , December 22 2024

STL ops sa kamay ng PCSO (Alisin sa dummy ng jueteng lords)

1210 FRONTNAIS ni PCSO Chairman Ayong Maliksi na mas marami pang operasyon ng small town lottery (STL) ang mapasailalim sa kontrol ng charity agency at hindi sa dummies ng jueteng lords.

Sa kanyang pahayag sa congressional hearing ng Committee on Games and Amusement na pinamumunuan ni Hon. Elpidio Barzaga, binigyang-diin ni Maliksi na matapos ang masusing pag-aaral at operasyon ng STL sa loob ng 10 taon, panahon na upang mapunta sa kamay ng PCSO ang STL operation at hindi sa jueteng lords dummies.

Ayon kay Maliksi, lumitaw sa libro ng PCSO na ang STL operation ay kumita  lamang ng P4.7-B (laban sa P29-B ng lotto) noong 2014 ngunit ang numerong ito ay ‘misleading’ dahil 6.9%  lamang ang napupunta sa actual charity fund ng PCSO o nasa P320-M.

Pinabulaanan din niya ang mga napaulat na may pinapaboran siyang kaibigan upang kontrolin ang gaming operation. Aniya, wala itong basehan at ang PCSO ang nais niyang magkaroon ng kontrol at hindi ang sinuman o maging ang kanyang mga kaibigan.

“I want PCSO to be recognized  to pursue its mandate to give more charity to the poor, consistent to the legacy of this administration,” ani Maliksi.

Sinasabing may hindi pagkakaunawaan si Maliksi at ang kasalukuyang board of directors na pumipigil sa kanyang magpatupad  ng mga pagbabago sa PCSO at napaulat ding kontrolado ng mga STL operator tulad nang ipinakita ng kanilang ‘gross negligence’

Sa naunang hearing ng komite, iniulat ng mga kinatawan ng Commission on Audit (COA) na ang STL operation ay hindi sumailalim sa audit. Taon 2012 pa lamang ay inamin umano ng PCSO na may mga paglabag ang mga agent operator base sa COA special audit findings, may pagpapabaya sa panig ng ilang opisyal ng PCSO upang mahigpit na bantayan ang pagtalima sa IRR at sa inaprubahang kapalit ng STL, tulad ng maliwanag na nakasaad sa PCSO Board Resolution No. 074, Series of 2012.

Tiniyak ni Maliksi na sa kanyang pag-aaral, ang PCSO ay makalilikom ng doble o higit pa sa umiiral na revenue.

Aniya, kailangan ito ng charity agency lalo pa’t iniulat ng mga social worker sa PCSO na ang mga kahilingan para sa medical o financial assistance ay lumolobo araw-araw at nangangailangan ang PCSO ng P18 million kada araw upang matugunan ito.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *