Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P3-Trilyong budget sa 2016 aprub na (CCT budget ‘di  tinapyasan)

PINAGTIBAY na ng Bicameral Conference Committee ang mahigit P3 trilyong budget para sa susunod na taon.

Pinangunahan ni House Majority Leader Neptali Gonzales at House Appropriations Committee Chair Isidro Ungab ang paglagda sa panig ng Kongreso.

Habang sa Senado, pinangunahan ito nina Senate Finance Committee Chair Loren Legarda at Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile.

Nabatid na walang bawas ang pondo para sa Conditional Cash Transfer na P62.5 bilyon, taliwas sa proposal sa Senado na bawasan ito ng P8 bilyon.

Samantala, dinagdagan ng P2.7 bilyon ang pondo para sa state college and universities.

Nanatili ang P4.7 bilyong pondo para sa veterans’ pension, P1.2 bilyong dagdag-allowance sa senior citizens, at P7 bilyon para sa umento sa sahod ng mga employado ng gobyerno.

Napanatili rin ang waste management fund.

Sa susunod na linggo inaasahang mararatipika ang national budget ng dalawang kapulungan ng Kongreso at inaasahang lalagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III bago mag-Pasko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …