Saturday , November 23 2024

Ombudsman Luzon tinulugan ang kaso ni Mayor Jesse Concepcion?

Jesse Concepcion Mariveles BataanIlang araw na lang at magpa-Pasko na naman muli.

Maraming kababayan natin ang naghihintay kung anong meron ang Pasko para sa kanila, lalo’t panahon ng eleksiyon na ang mga kandidato ay hindi makahihindi sa mga carolling, solicitations para sa Christmas Party ng kanilang constituents.

Pero sa mga taga-Mariveles, Bataan ang Pasko ay paghihintay sa resolusyon ng Luzon Ombudsman sa reklamong isinampa ng dating Konsehal na si Joseph Pereyra na ang halagang P3 milyong pondo ay inilabas umano ni Mayor Jesse Concepcion sa kaban ng bayan na ginamit daw sa Christmas Party ng bayan, maraming Pasko na ang nagdaan.

Ang pagpapalabas ng nasabing halaga ay hindi man lang daw dumaan sa Konseho upang gawan ng Resolusyon para magamit sa Christmas Party o para sa kapakinabangan ng mamamayan ng Mariveles.

Pero napag-alaman na ito ay kinobra at sinabing cash advance ni Mayor Concepcion, sa kung ano ang pinaggamitan ay ni hindi man lang naaninag o naramdaman ng taong bayan ng Mariveles.

Kundi ba naman, ang tibay pala ng loob nitong si Mayor Concepcion, may dati nang cash advance na kinuha sa kaban ng bayan at hindi pa nali-liquidate heto’t kumubra ulit? Kawawang mga taga-Mariveles…

Ilang Pasko na ang nagdaan, pero wala pa rin ang regalo ng Ombudsman para sa mga taga-Mariveles, Bataan.

Kailangan maaksiyonan ito ni Ombudsman for Luzon Atty. Mosquera? Mukhang inagiw na ang case folder ng nasabing reklamong hinihintay ng mga taga- Mariveles?

Ano pa ba ang hinihintay niyan, panibagong Pasko ulit? Malinaw pa sa sikat ng araw na paglabag sa Anti-Corrupt and Graft Practices ‘yan.

O baka naman may cold storage na riyan sa opisina ninyo at naging yelo na sa tagal ang mga reklamo laban sa mga tiwaling opisyales ng pamahalaan?!

Kung hindi man n’yo maaksiyonan ‘e ipaliwanag sa mga taga-Mariveles kung bakit inabot ng tatlong Pasko ang reklamo nila pero hindi pa rin nareresolba.

Ano ho ba ang alituntunin para matapos agad ang isang reklamong isinampa? Gaano ba talaga katagal dapat na iresolba ang reklamo sa mesa ninyo?

Inaalala ng mga taga-Mariveles, Bataan, ay maglaho sa kawalan ang kanilang mga reklamo laban sa katiwalian ng lokal na pamahalaan.

Kailangan pa bang si Ombudsman Conchita Morales Carpio ang makialam sa isyung ito!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *