Friday , November 15 2024

Lim llamado sa Maynila

Bato BalaniTUNAY na magiging matindi mga ‘igan ang salpukan sa kung sino ang karapat-dapat na iluklok sa pagiging Alkalde sa Lungsod ng Maynila sa darating na “Election 2016.”

Ang “Ama ng Libreng Serbisyo” ba na si dating Mayor Alfredo S. Lim, si “Erap Para sa Mahirap,” Mayor Joseph Ejercito Estrada ba o si “Bagong Maynila,” outgoing 5th District Congressman” Amado Bagatsing?

Ayon sa ‘survey’ mga ‘igan, llamadong–llamado ang Mamang si “Ka Fred.” Mantakin ninyong ayon sa aking “Pipit,” gusto muling maramdaman ng mga pobreng Manilenyo ang tunay na libreng serbisyo partikular sa mga kapos-palad. Nandiyan ang libreng tulong-medikal, ang libreng konsulta na may kasamang libreng gamot pa!

Sa anim (6) na distrito ng Maynila, na may anim (6) na ospital, aba’y sa totoo lang po, lima (5) sa mga Ospital na ito’y si “Ka Fred” po ang nagpatayo!  

Sa kasalukuyan, kaliwa’t kanan ang batong ipinupukol sa “Ama ng Libreng Serbisyo,” Alfredo S. Lim. Ngunit , kahit anong pukol nila ay hindi mabubura sa puso’t isipan ng mamamayang Manilenyo ang patuloy na pamamayagpag ng pangalang “LIM” sa Kamaynilaan! 

Para sa kaalaman ng nakararami, partikular sa mga taong bumabatikos kay “Dirty Harry” (LIM)… mula nang matalo ang “Mama” noong 2013, nanatiling magalang at may respeto sa  ddministrasyong Erap. At wala na po siyang ginawa kundi ipagpatuloy ang pamamahagi ng kanyang “Libreng Serbisyo” lalong-lalo na sa mahihirap nating mga kababayan sa Maynila.

Magpahanggang ngayon mga ‘igan ay patuloy na bumibisita si “Ka Fred” sa mga Barangay ng District 1 hanggang District 6 ng Maynila, upang tumulong nang tumulong sa abot ng kanyang makakaya. Tulad na lamang nitong mga nasunugan kamakailan lang. Abot-kamay ang kanyang pagtulong. Saludo po ang BBB sa  inyong kagandahang-loob!

Maging ang mga mahal at iginagalang na mga Senior Citizen” na may karamdam, abay ‘baby na baby’ kung arugain ni “Ka Fred!” Idagdag mo pa ‘igan ang mga Kabataang nakapagtapos sa Kolehiyo nang libre, dahil sa “City College of Manila na kilala ngayon sa tawag na Unibersidad De Manila, na itinayo ni Ka Fred Lim noong dekada ‘90, nang una siyang manungkulan bilang Alkalde.

Kaya’t mga ‘igan, paano mo mababaon sa limot ang mga “Libreng Serbisyong” ibinahagi ng matandang mama, na may pinagkatandaan naman?

Sige nga!

Sa totoo lang mga ‘igan, si dating Mayor Alfredo S. Lim, ay hindi pa rin mabubura sa isipan ng mga Manilenyo, bagkus nakaukit ito sa puso ng mga kapos-palad. Ang dapat lamang gawin ng mga katunggali ng “mama” ay higitan pa sana ang mga ginawa ni Ka Fred Lim. Huwag daanin sa mga batikos at maruming pamomolitika, sapagkat sa matatalinong Manilenyo ay “WA-EPEK” ‘yan!

Sa ngayon, hindi ninyo siya matatalo sa maruming laro o’ maling proseso. Bagkus, manindigan na lamang… sa kung ano ang isisigaw ng sambayanang Manilenyo!

Meralco aksiyon ang kailangan

Paging po sa mga bossing natin sa MERALCO, agarang aksiyon po ang kailangan, partikular sa panawagan ng Brgy. 355 Zone 36 District III ni Chairman Renato Cajayon, ang “streetlights” na malaking tulong sa pagreresolba ng kanilang problema sa mga kabataang may masamang gawa sa dilim! Samantala, pasasalamat naman ang hatid sa MERALCO ng Brgy. 225 Zone 21 District 2 ni Chairman Arsenio Lasam at ng kanyang Kagawad, Alfredo ‘Digit’ De Guzman Jr., sa pagbibigay-pagkakataon na makabitan ng legal na koryente ang mga residente sa nasabing Barangay sa pakikipagtulungan ng MANILA BARANGAY BUREAU. Saludo po ang BBB.

Tuloy-tuloy lamang po ang Libreng Serbisyo sa mga Manilenyo!

About Johnny Balani

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *