Sunday , December 22 2024

Higit 10 taon nang residente ng PH si Poe (Simple Arithmetic)

1210 FRONT“SIMPLENG arithmetic lang naman ang katapat ng isyu sa residency. ‘Di mo kailangang maging abogado upang makitang lampas sa kailangang sampung taon ang pagtira ni Sen. Grace dito para makatakbo bilang pangulo.”

Ito ang sinabi ni Rep. Win Gatchalian ng Nationalist People’s Coalition (NPC) kasabay ng puna nitong Miyerkoles sa Commission on Elections’ (COMELEC) Second Division na nagsabing si Poe ay hindi maaaring tumakbo bilang pangulo dahil ang pananatili niya sa bansa ay kulang sa kinakailangang 10 taon.

Sinabi rin ng mambabatas na tumatakbong Senador sa ilalim ng tambalang Poe at Sen. Chiz Escudero na kahit hindi abogado gaya ng mga miyembro ng 2nd Division ng Comelec, “marunong naman tayong magbilang.”

“Batay sa kinakailangang sampung taon ng paninirahan bago makatakbo bilang pangulo, dapat ang isang kandidato ay residente ng Filipinas nang hindi bababa sa 10 taon sa araw ng halalan sa Mayo 9, 2016.

Ibig sabihin, dapat dito na naninirahan sa bansa si Sen. Grace noong Mayo 8, 2006. Ang tanong: “may mga pangyayari ba sa buhay ni Sen. Grace dito sa bansa o may mga ginawa ba siya bago ang Mayo 8, 2006? Ayon sa ating mga nakalap na datos, meron at napakarami,” paliwanag ni Gatchalian.  

Ayon sa mambabatas, nagsumite sa Comelec ang mga abogado ni Poe ng mga ebidensIyang “malinaw na nagpapatunay na si Sen. Grace, 2005 pa lamang, ay naghangad, nagplano at nagsagawa na ng mga hakbang tungo sa tuluyan niyang paninirahan dito.” 

“Una, nag-resign noong 2004 sa kanyang trabaho sa US si Sen. Grace. Pangalawa, noong unang bahagi ng 2005, ipinaalam niya sa mga eskwelahang pinapasukan ng mga anak na hindi na nila itutuloy ang pag-aaral doon, at noon ngang Hunyo 2005, ini-enroll na niya ang mga anak dito. Pangatlo, sa huling bahagi ng taon 2005, bumili na ng condo rito ang mag-asawa at bumili ng lupang titirikan ng bahay sa mga unang buwan ng sumunod na taon (2006). Pang-apat, lahat ng kanilang mga gamit sa Estados Unidos ay inilipat na dito sa Filipinas. Panglima, noong Abril 2006, ibinenta nilang mag-asawa ang kanilang bahay sa US.”

“Napakalinaw po na wala na silang balak bumalik sa US. Napakalinaw po na balak na nilang tumira rito. Ang pagkakabalewala ng mga pangyayaring ito ang siyang nagsindi sa maiinit na espekulasyon sa likod ng desisyon ng Second Division at, dahil sa mga alam nilang impormasyon, hindi masisi ang taong bayan kung pagdudahang may nangyaring hindi tama sa desisyong ito,” giit ni Gatchalian.  

Ayon sa dekano at iginagalang na guro ng abogasya na si Dean Tony La Viña, ang susi umano sa usapin ng residency pagdating sa election law ay salitang ‘intent,’ ngunit “sa loob ng 34 pahinang Resolusyon ng Second Division, wala ni isa mang pagtalakay hinggil sa plano o pagsadya ni Poe na abandonahin ang kanyang paninirahan sa Estados Unidos at manirahan dito sa Filipinas.”

“Ang kuwestiyon ng residence sa election law ay nakapako sa usapin ng intensyon na ang ibig sabihin ay ang pagsadya o intensyong manirahan sa isang lugar, pisikal na pananatili doon at ang pagsagawa ng mga hakbang na kakikitaan ng nasabing intensyon,” ayon kay La Viña.

Mariin naman ang deklarasyon ni Gatchalian na lahat ng senatorial candidates sa ilalim ng tambalang Poe at Escudero ay naninindigan para sa kanilang standard bearer. Ganoon din daw ang NPC, buo ang suporta sa tandem.

Sa harap ng mga pagtatangkang tanggalin siya sa karera ng panguluhan, iginigiit ni Sen. Grace na lalaban siya hanggang sa kadulu-duluhan. At sa laban niyang ito, nasa likod niya kami 100% dahil matibay ang aming paniniwala sa kanyang pangarap tungo sa isang mahusay na gobyernong may puso na walang maiiwan.”

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *