Sunday , December 22 2024

Gun ban exemption open na sa aplikasyon — Comelec

MAAARI nang makakuha ng aplikasyon para sa exemption sa election gun ban sa pamamagitan ng pag-a-apply ng Certificate of Authority (CA) na inilalabas ng Commission on Elections (Comelec).

Kabilang sa mga pinapayagang kumuha ng certificate ang pangulo ng bansa, pangalawang pangulo, mga senador at mga miyembro ng Kamara na hindi tatakbo sa halalan.

Ipatutupad na ng poll body ang pagbabawal nang pagbibitbit ng baril sa mga pampublikong lugar simula Enero 10 hanggang Hunyo 8, 2016.

Giit ni Comelec Spokesman James Jimenez, kahit lisensyado ang baril, ipagbabawal pa rin ang pagbibitbit nito dahil may hiwalay na permiso para sa mga aplikante nito.

Ang naturang sertipikasyon ay maaari lamang makuha mula sa Committee on the Ban of Firearms and Security Personnel (CBFSP) ng poll body.

Sino mang lumabag ay maaaring patawan ng isa hanggang anim na taon pagkakakulong.

Permanente na ring madiskwalipika sa paghawak ng kahit anong posisyon sa gobyerno at tatanggalan ng karapatang makaboto.

Maaari ring idaan sa online process ang pagkuha ng aplikasyon.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *