Sunday , December 22 2024

600 gramo ng shabu huli sa NAIA

ARESTADO ang isang 41-anyos babae makaraang makompiskahan ng 500 gramo ng shabu habang bumibili ng ticket sa Ninoy Aquino International Airport kahapon patungong Iloilo.

Ayon sa Police Aviation Security Group (Avsegroup), ang suspek ay kinilalang si Disa Kandu Ali, residente ng Dasmariñas, Cavite, nagtungo ng Terminal 3 dakong 2 a.m.

Pinigilan si Ali sa Departure Gate 6 ng terminal nang mapansin ng screeners ng Office for Transportation Security (OTS) ang kakaibang imahe sa security monitor makaraang dumaan ang kanyang bag sa X-ray machine.

Nang mabuksan, tumambad ang 500 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu na magkakahiwalay na nakalagay sa limang plastic na pakete.

Ayon sa pulisya, bago nadakip si Ali, nagpunta siya sa Iloilo noong Disyembre 3, 2015, saka bumalik sa Manila makaraan ang ilang araw.

Si Ali ay nasa pangangalaga na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency para sa kaukulang disposisyon. 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *