Sunday , December 22 2024

4 motor shops sinalakay sa karnaping

NASOPRESA ang apat na motor shop sa isinagawang “Oplan Galugad” nang pinagsanib na puwersa ng Anti-Carnapping Section (AnCar), Special Weapons and Tactics (SWAT) at Intelligence Unit (Intel) ng Pasay City Police kahapon.

Ayon kay Pasay City Police chief, Senior Supt. Joel Doria, dakong 10:20 a.m. nang salakayin ng mga awtoridad ang apat na tindahan ng pagawaan ng motorsiklo sa Zamora St., Taft Avenue, at Libertad Street.

Kabilang sa sinuyod ng mga pulis ang Daddy’s & Son Motor Shop na pag-aari ng isang Nilo Dela Cruz, sa kanto ng Zamora at Libertad Streets; Avahnenas Gen. Merchandise, Francis Motor Shop sa Taft Avenue, Brgy. 83, at Stell HPL Motor Shop sa Tramo St. ng nasabing lungsod.

Nasamsam sa Daddy’s & Son ang apat motorsiklong walang plaka na agad dinala sa tanggapan ng AnCar.

Sa pahayag sa pulisya ni Dela Cruz, halos dalawang taon na sa kanila ang mga motorsiklo makaraang iwanan at ipakumpuni sa kanila ngunit hindi na binalikan ng mga lalaking nagdala sa shop kaya ipinasya nilang itiwangwang sa kalsada malapit sa kanyang tindahan.

Ayon kay Chief Insp. Carlito Narag Jr., deputy ng Pasay City Police, lumalala na ang nakawan at pagkawala ng mga motorsiklo sa Pasay, posibleng ginagamit sa krimen gaya ng riding in tandem na lantaran ang pananambang at pagpatay sa kanilang target na biktima.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *