Saturday , November 23 2024

Raket sa Laoag Int’l Airport bulilyaso na!!!

Laoag Interntional AirportNITONG nakaraang Lunes (Nov. 30) sa Laoag International Airport, 9 na Chinese nationals pasakay ng China Southern flight bound for Canton, China ang sinakote ng mga Immigration Intelligence personnel dahil sa palsipikadong travel documents.

Sa isang tip na nagmula sa isang asset, nahulihan ang nasabing mga tsekwa ng mga pekeng Emigration Clearance Certificates o ECC at ang iba naman ay ‘yung tinatawag na ‘hubad’ o wala man lang kahit na ano mang dokumento kundi ang kanilang passport.

Lahat daw ay pawang overstaying at ginagamit ang naturang airport para gawing exit point!

Sigurado tayo, na nagagamit din ang nasabing airport sa pagpasok ng mga illegal alien sa ating bansa?!

Para raw binuhusan ng sukang iloko ang Immigration Officer on duty na nagkataong siya rin palang BI Alien Control Officer (ACO) ng Laoag City matapos i-apprehend sa boarding gate ang 9 na Chinese nationals.

Laking gulat daw ng BI-Laoag ACO Pera ‘este’ PERRY PITSA ‘este’ PANCHO nang bigla na lang makitang iniisa-isang bulatlatin ng mga Intelligence personnel na ipinadala ni BI Comm-in-Charge Gilbert U. Repizo ang mga dokumento na hawak ng mga sinitang tsekwa.       

Paktay kang Panchito ka!

Checking on the background of this BI-Laoag ACO, ito palang si IO PERA ‘este’ PERRY PANCHO ay sonabagan ‘este’ SON-IN-LAW pala ni Atty. NORMAN TANPISO ‘este’ TANSINGCO na isa sa trusted man sa BI commissioner’s office!

In short, batang-sarado daw ito ni Comm. Fred ‘greencard’ Mison?!

What the fact!?

Para namang pinagtiyap talaga ng tadhana ang relasyon ng dalawang ‘yan!

Isang “PERA” at isang “PISO” kaya pala hindi nakapagtatakang maging up, close and personal ang dalawa dahil mayroon silang common denominator?

Hindi ba nakapagtataka na sa mahigit isang taong na-assigned si IO Panchito ‘este’ Pancho sa Laoag airport ay hindi raw aware ang kanyang biyenang si Tansingco na may ginagawa palang milagro ang iho de kamoteng manugang niya?

Ang balita natin hindi raw bababa sa P70K kada ulo ang kalakaran ng Overstaying na Chinese di-yan sa Laoag City kaya roon pa lang sa 9 na naaresto ay kumita na sana ng P630K si Pancho kung ang lahat ay nakalusot?

Tsalap tsalap naman…picking apples, ‘di ba?!

Paano na lang kung isang taon nang nangyayari ang modus na gaya nito?

Hindi kaya gaya ng kanyang “father-in-law”, malamang meron na rin mansion with swimming pool plus matching luxury car si Perry Pancho?!

Laking gulat din daw ng BI Port Operation Division (POD) at mukhang hindi sila aware o na-inform na may existing flight pala mula Laoag going to Canton, China.

Maniwala naman kayo riyan kay POD Chief Atty. Floro ‘no balls’ Balato ‘e alam naman nating gaya ni Atty. Taningco, ‘e parehong solid “Libanan” boys ang mga ‘yan!

Well, we were not born yesterday, guys!

So, since malaking accomplishment ito para kay Comm-in-Charge Repizo, we would like to congratulate him for a job well-done!

Keep up the good work!

Remind ko lang po na huwag n’yo kalimutan ibilin kay Commissioner (discharged?) Pabebe-boy na ikuha agad ng tiket papuntang Taganak o Batuganding si IO Perry Pancho gaya ng nakagawian niya sa mga sumasablay para naman maging patas ang labanan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *