Sunday , December 22 2024

P64-B CCT ng DSWD tatapyasan ng P8-B (Malacañang humirit ng konsiderasyon)

1209 FRONTUMAASA si Pangulong Benigno Aquino III na ikokonsidera ng mga senador ang desisyon na tapyasan ng walong bilyong piso ang budget ng conditional cash transfer (CCT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 2016.

Sa panukalang badyet ng Malacañang, umaabot ang CCT funds ng halagang P64-bilyon sa susunod na taon.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., nananalig si Pangulong Aquino na maiisip ng mga senador ang magiging epekto nito sa apat na milyong pamilyang Filipino na mga benipisyaryo ng CCT program.

“We trust our legislators will consider the implications of their decisions on the CCT beneficiaries who are the most important stakeholders in our efforts to achieve inclusive growth,” ani Coloma.

Inaabangan aniya ng Palasyo ang ano mang resulta ng deliberasyon ng mga mambabatas sa bicameral conference committee sa naturang usapin.

“We shall await the outcome of the deliberations of the bicameral conference committee on the matter,’ pahayag pa ni Coloma.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *