Sunday , December 22 2024

Duterte naghain na ng CoC

PERSONAL nang inihain ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang certificate of candidacy (CoC) sa Commission on Elections (Comelec) central office sa Intramuros, Maynila para tumakbo bilang pangulo sa 2016 elections.

Magkasamang dumating sa Comelec office si Duterte at ang kanyang ka-tandem na si Sen. Alan Peter Cayetano.

Pinalitan ni Duterte ang kandidatura nang umatras na kandidato ng PDP-Laban na si Martin Diño.

Bagama’t hindi pa nakapagdesisyon ang Comelec kung tatanggapin nito ang substitution ni Duterte kay Diño.

Ngunit ayon sa alkalde, hindi niya ikinababahala ang kinakaharap na disqualification case na inihain ni Ruben Castor sa pagsasabing “maganda kung ma-disqualify, ngunit kung matuloy ang kandidatura ay mabuti.”

Inamin ng alkalde na sila ang nagpa-survey upang malaman kung siya ay may posibilidad na manalo, ngunit kung may questions sa resulta na kanyang pinangungunahan ay ilagay na lang siya sa No. 5.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *