Friday , November 22 2024

Bigtime drug syndicate at scalawags tugisin — Sen. Bongbong Marcos (Pagsugpo sa ilegal na droga dapat nang seryosohin )

121714 bongbong marcosMATINDI na talaga ang pangangailangan na maging concern ng national government ang pagsugpo sa ilegal na droga.

Base sa datos na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 20 porsiyento ng 42,029 barangay sa buong bansa ay apektado ng ilegal na droga gaya ng shabu.

Ang shabu ngayon ay lokal na lokal kahit saang bahagi ng bansa.

Naging common commodity na rin ang shabu kahit sa mga sari-sari stores sa depressed areas.

Para na rin tayong nasa Mexico na kahit saang sulok ay pwedeng magpalitan ng droga at pera.

Hindi mapasusubalian ito base na rin sa datos na inilabas ni Senator Bongbong Marcos mula sa PDEA na 92 porsiyento ng barangay sa Metro Manila ay apektado ng illegal na droga.

Maraming bilang ng krimen sa mga komunidad ay drug-related. Panggagahasa, pagpatay ng anak sa magulang, pagpatay ng apo sa lolo o sa lola. Pagpatay ng ama sa anak na sanggol. Pagpatay sa asawa at iba pa. Swapping ng sexual partners at drug orgy.    Pamamaslang ng mga riding-in-tandem na pinaniniwalaang dahil sa onsehan sa droga.

Paggamit sa mga paslit at kabataan sa pagtutulak ng droga lalo’t walang trabaho ang kanilang mga magulang.

Tayo’y nabubuhay ngayon sa isang abanteng panahon ng elektroniko pero ang krimen na kayang gawin ng mga lulong sa droga ay ni hindi nagawa sa panahon ng barbarismo.

Talagang karumal-dumal at nakaririmarim.

At ‘yan ay dahil sa ilegal na droga.

At totoo ang sinasabi ni Sen. Marcos, dapat paigtingin ng susunod na administrasyon ang kampanya laban sa ilegal na droga.                  

Hindi lamang pangkaraniwang mamamayan ang apektado nito.

Matagal na nating sinasabi na walang sinasanto ang shabu. Mahirap o mayaman, may pinag-aralan o wala, propesyonal man o hindi, babae o lalaki, bata o matanda, lahat sila kapag nadaanan ng droga — tiyak WASAK.

Hindi lang malalaking sindikato ng droga ang dapat tugisin at parusahan, sudsurin din ang mga awtoridad (pulis, politiko, LGU officials) na sangkot sa operasyon ng ilegal na droga o ‘yung tinatawag na SCALAWAGS.

By the way, sa lahat ng kandidato, si Bongbong Marcos pa lang ang naringgan natin ng posisyon laban sa ilegal na droga.

Palagay natin ay nakapuntos siya nang malaki sa posisyong ito.

Sulong pa Bongbong!    

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *