Saturday , December 28 2024

May fund raising ba ang PNP-QCPD ngayong kapaskuhan!?

061315 PNP QCPDNagsimula na namang gumawa ng raket ang ilang tulisan ‘este’ operatiba ng PNP Quezon City Police District (QCPD) sa pamamagitan ng pambubulabog (shakedown?!) sa ilang establisyemento sa lungsod.

At ito ay dahil sa ‘utak’ ng isang dating Kawatan ‘este’ KAGAWAD na ngayon ay police asset na siyang taga-nguso sa mga iha-harass na negosyo para pagkunan ng kotong o pamasko.

Tandem daw nito ang isang pulis na alias ‘KAWALI?!’

Kinilala ng mga negosyante ang isang alias JUNE TULO y PULO, ang naturang point man (tsuwariwap) sa ilang operatiba ng QPCD.

Hayagan din ipinangangalandakan na siya raw ang itinalagang kolektor ni QCPD Director Gen. Edgar Tinio para sa iba’t ibang unit ng command gaya ng Special Operation Group na pinamumunuan ni Col. Jay  Agcaoili.

“LAGUM” (salitang ginagamit para sa kalahatan) ang palaging dialogue nitong si alias Tulo y Pulo sa pangongolektong ng ‘protection money’ na pihado raw makararating at makatutulong sa bawat opisina ng mga operational unit ng QCPD gaya ng opisina ni Tinio at Agcaoili.

Totoo ba ‘yan mga bossing!?

Umaabot mula dalawang libong piso (P2,000) hanggang anim na libo (P6,000) kada linggo ang pilit na itinatara ni Tulo y Pulo sa kada establisyemento na makakausap, masisindak o maloloko nito gamit ang pangalan ng QCPD.

Kung hindi sasang-ayon kay alias Tulo ‘y Pulo ang isang negosyante, mga ilang araw lang ay susugod siya kasama ang iba’t ibang operatiba ng QCPD, Special Operation Group at QC Health Department para magsagawa ng inspection ‘kuno’ kung lehitimo ang business at ang kasunod ay makipagnegosasyon para sa protection money.

Sonabagan!!!

Gen. Edgar Tinio, matanong ko lang ho sa inyo, ito bang tarantadong si Tulo ‘y Pulo ay binasbasan n’yo para mangolektong sa inyong mga pulis!?

Aba’y kung hindi ‘e tagpasin mo na agad ang sungay bago ka pa maikanal niyan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *