Monday , December 23 2024

Kumambiyo si Digong Duterte

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG hindi nakayanan ng mga nasa likod ni Mayor Rodrigo Duterte ang mga banat sa social media kaya umisip sila ng pinakamabilis na paraan para ma-damage control ang image ng kandidato nilang taklesa.

Mas taklesa pa raw kay Kris Aquino kasi?!

Kaya hayun, dumalaw sa mga kaibigan niyang pari at arsobispo sa Davao at doon nagpatulong para magpaliwanag at mag-sorry kay Pope Francis.

Parang kumambiyo ng 180 degrees para lang ‘linisin’ ang pahayag na tila hindi muna pinag-isipan.

Alam naman nating BARAKO si Duterte.

Pero kung hahangarin niyang maging presidente, hindi lang naman iisang sektor ang mga mamamayan sa bansa.

Iba-ibang sektor na mayroon pang iba’t ibang saray batay sa kultura at tradisyon na kanilang pinaniniwalaan at kinalakihan.

Kung natutuwa si Duterte na pinapalakpakan siya ng masa tuwing umaasta siyang Barako, ibahin niya ang  saray ng middle class na may “touché of culture, education and humanities.”

Mapalad si Duterte kapag nabuwisit ‘yang mga ‘yan at hindi na lang bumoto dahil sa inis.

Pero kapag nagalit ‘yan at nagtawag sa kanilang  mga kaibigan at kaanak, tiyak ‘yun, laglag ka sa silent majority Digong.

Totoong maraming naghihirap na Pinoy, pero marami rin ‘yang silent majority na sa tamang panahon ay ibinabagsak ang ‘Tabak ni Damocles.’

Baka ikaw ang tamaan niyan Digong.

Sa inilabas na survey daw ng SWS (Social Weather Station), nakakuha si Duterte ng 30 percent. Pareho namang tig-21 percent sina Jojo Binay at Grace Poe. 

Huling kulelat si Mar Roxas sa 15 porsiyento.

Ang galing mo Digong!

But wait… hold your breath… 

Gaano katotoo na ang survey na ‘yan ay ginawa sa Davao?!

Tsk tsk tsk…

Natuturete ba ang mga handler ni Duterte at kahit ano ay gagawin nila para paungusin lang ang image ng kanilang kliyente?!

Aba e ‘di parang niloloko na rin nila ang sarili nila.

Baka pagdating ng tamang panahon ay maging biktima sila ng kanilang sariling propaganda.

Araykupo!

May fund raising ba ang PNP-QCPD ngayong kapaskuhan!?

Nagsimula na namang gumawa ng raket ang ilang tulisan ‘este’ operatiba ng PNP Quezon City Police District (QCPD) sa pamamagitan ng pambubulabog (shakedown?!) sa ilang establisyemento sa lungsod.

At ito ay dahil sa ‘utak’ ng isang dating Kawatan ‘este’ KAGAWAD na ngayon ay police asset na siyang taga-nguso sa mga iha-harass na negosyo para pagkunan ng kotong o pamasko.

Tandem daw nito ang isang pulis na alias ‘KAWALI?!’

Kinilala ng mga negosyante ang isang alias JUNE TULO y PULO, ang naturang point man (tsuwariwap) sa ilang operatiba ng QPCD.

Hayagan din ipinangangalandakan na siya raw ang itinalagang kolektor ni QCPD Director Gen. Edgar Tinio para sa iba’t ibang unit ng command gaya ng Special Operation Group na pinamumunuan ni Col. Jay  Agcaoili.

“LAGUM” (salitang ginagamit para sa kalahatan) ang palaging dialogue nitong si alias Tulo y Pulo sa pangongolektong ng ‘protection money’ na pihado raw makararating at makatutulong sa bawat opisina ng mga operational unit ng QCPD gaya ng opisina ni Tinio at Agcaoili.

Totoo ba ‘yan mga bossing!?

Umaabot mula dalawang libong piso (P2,000) hanggang anim na libo (P6,000) kada linggo ang pilit na itinatara ni Tulo y Pulo sa kada establisyemento na makakausap, masisindak o maloloko nito gamit ang pangalan ng QCPD.

Kung hindi sasang-ayon kay alias Tulo ‘y Pulo ang isang negosyante, mga ilang araw lang ay susugod siya kasama ang iba’t ibang operatiba ng QCPD, Special Operation Group at QC Health Department para magsagawa ng inspection ‘kuno’ kung lehitimo ang business at ang kasunod ay makipagnegosasyon para sa protection money.

Sonabagan!!!

Gen. Edgar Tinio, matanong ko lang ho sa inyo, ito bang tarantadong si Tulo ‘y Pulo ay binasbasan n’yo para mangolektong sa inyong mga pulis!?

Aba’y kung hindi ‘e tagpasin mo na agad ang sungay bago ka pa maikanal niyan!

Mag-ingat sa buwaya sa Meralco Ave., Ortigas intersection (Attn: Pasig TPMO & MMDA)

SIR Jerry, paki-BULABOG po ang Pasig City TPMO diyan sa panulukan ng Meralco Ave., at Ortigas Intersection. Parang nagiging GATASAN na po ng mga nakaposteng City Enforcer ang violation na “BEATING THE RED LIGHT” po ng mga motorista. Palibhasa po ay walang “TIMER” ang naturang traffic lights, kaya parang may kontrol po ang mga kumag sa Stop & Go ng ilaw at PRESTO, ‘pag inabot ng ORANGE LIGHT sa YELLOW BOX ng INTERSECTION ay paparahin ng mga BUWAKAW na ENFORCER. Isa pong nagngangalang T/P RUMER C. DOTARO ang ba-lagbag na pumapara at nakikipag-usap sa mga nasisita. NAGMUMURA pa po ang loko kesyo may manugang daw po siya sa CAMP CRAME kaya hindi po pwede makiusap kahit sino ka pa. Tapos saka babanat ng “MAGLAGAY KA NA LANG KESA MAABALA KA!” Kung wala pong aaksiyon dto ay mamamayagpag po ang nasa-bing MODUS OPERANDI. Sana po ay lagyan na ng TIMER ang naturang Traffic Lights para hindi po nangangapa ang mga motorista kung hihinto o magpapatuloy sa pagtawid bago abutan ng orange at red light.

rodel———@gmail.com

Mag-ingat sa isa pang buwaya sa Bacoor City! (Attn: Mayor Strike Revilla)

AKO po si Jose, residente ng Bacoor City Bayanan. Gusto ko iparating sa inyo ang kagagawan ng traffic enforcer sa kanto ng Molino Blvd., at Molino Road. Pauwi na kami ng pamilya ko sakay ng Toyota love life galing Chowking pagkatapos mag-dinner, paliko sa Molino Blvd., na may stop light, 2 mins pa bago mag red nkakuha ng momentum at nklagpas na, nang bigla na lang sumulpot ang traffic enforcer at pilit kami pinahihinto, gabi at madilim sa lugar dahil sa pangambang holdapan nagtuloy na lang upang makaiwas ngunit sinundan kami at pilit kinukuha ang lisensya na agad kong binigay dahil alam ko wala naman akong violation. Nagdespensa ako pero tiniketan pa rin kami na hindi sinabi ang dahilan at sa city hall na lang daw magreklamo. Pagkauwi nabasa ko na lang na magbayad ng 3k pesos na malaking halaga para sa amin na pambili ng ulam at bigas para sa isang linggo. Hindi ko matanggap na bakit bigla nagkaroon ng enforcer sa bandang lugar na wala naman gaano aberya sa trapik at gumagana ang counter ng traffic light dahil  ba Pasko na at maraming kumakain sa labas maaaring naaabuso ang karapatan. Bukas tutuloy ako sa bagong city hall at magpapaliwanag at sana makapanayam ko si Mayor Strike Revilla at aksiyonan ang lantaran at talamak na pangongotong sa lugar. Maaari po tulungan n’yo ako.

 js_c——@yahoo.com

Talamak na escort service sa NAIA

SIR Jerry, dapat pabantayan ni Sec. Caguioa lahat ng flights ng China. Talamak ho escort service ng isang reporter. Lagari sa lahat ng terminal. Padating at paalis. Wala magawa ang Immigration dahil takot cla isumbong kay Mison. 

+639186922 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *