Friday , November 15 2024

IS recruitments sa Mindanao ibinunyag ng mayor

KORONADAL CITY – Kinompirma ni Cotabato City Mayor Japal Guani Jr., patuloy ang recruitment ng armadong grupo na konektado sa Islamic State (IS) group, sa mga kabataan sa kanilang lugar upang sumailalim sa pagsa-sanay sa paggawa ng bomba.

Ito ang naging rebelasyon ng alkalde sa gitna nang pagtanggi ng militar at pulisya sa naturang impormas-yon.

Nagpahayag ng pag-kabahala ang alkalde sa nasabing impormasyon at sinabing nasa 30 kabataan sa kanilang lugar ang ni-recruit ng IS-inspired Ansar al-Khalifa Philippines (AKP).

Ipinangako anila sa mga kabataan ang pang-araw-araw na pagkain, allowance at pocket mo-ney habang nagsasanay sa paggawa ng bomba sa bulubunduking bahagi ng Palimbang, Sultan Kuda-rat.

Sinabi ng alkalde, target ng grupo ang mga menor de edad at out-of-school youths na mahilig sa pagbabasa ng Koran.

Kaugnay nito, hini-mok ng opisyal ang mga magulang na i-monitor nang mabuti ang kanilang mga anak upang maiwasan na maimpluwensiyahan at mapabilang sa naturang armadong grupo.

Napag-alaman, una nang inihayag ni M/Gen. Edmundo Pangilinan, commander ng 6th Infantry Division, Philippine Army na nakabase sa Maguindanao, wala pang direktang ebidensiya na nagre-recruit na ng mga tauhan sa Mindanao ang IS group.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *