Monday , December 23 2024

Araw-araw ay Pasko

00 aksyon almar‘GANDANG araw mga kabayan.

Kumusta ang nagdaang weekend ninyo? Namili ba kayo sa Divisoria o sa paborito ninyong mall ng mga pangregalo sa inyong mga inaanak at mahal sa buhay?

Mabuti pa kayo at nakapamili na samantala ako, magtatago na lang ako. He he he…hindi naman, kundi mababait at maunawain naman ang mga inaanak ko, kaya okey lang sa kanila ang ipadama ko ang pagmamahal ko sa kanila.

Kunsabagay mga inaanak, ‘wag mag-alala mahaba-haba pa naman ang panahon,  may oras pang mamili. Hintay-hintay lang.

Pero ako, araw-araw na nakatatanggap simula nang ipanganak ako. Ang paggising na lang araw-araw ay isang malaking regalo mula sa Panginoong Diyos bukod pa ito sa araw-araw na blessings mula sa Kanya para mabuhay, hindi lang ako kundi maging ang aking pamilya.

Salamat Panginoong Diyos.

Akalain ninyo, sa kabila ng pagiging unfaithful ko sa Kanya, araw-araw pa ring umaapaw ang blessings mula sa Panginoon. Magising na lang sa araw-araw, magandang kalusugan ng pamilya, makakain araw-araw at marami pang iba.

Heto nga singkuwenta-anyos na ako nitong Nobyembre 21, 2015 – isa na itong  napakala-king regalo. Siyempre higit sa lahat ang pinakamalaking regalo ay ang kauna-unahang CHRISTMAS.

Ibig kong sabihin, ang pagregalo Niya sa atin ng Kanyang  nag-iisang ANAK na ating tagapag-ligtas – si Hesu Kristo, ang dahilan kung bakit may Pasko.

Kaya huwag malungkot para sa darating na Pasko lalo na kayong mga masyadong nag-aalala kung may matatanggap na regalo. Tandaan, araw-araw ay Pasko.

Kahapon,  isa  na  namang pamasko ang aking natanggap mula kay  bunsong si ALBERTA KRISTEA a.k.a. “TEA.”  Bukod sa pagiging kampeon niya sa spelling bee contest (Grade 3 level) sa kanilang paaralan, kanyang napanatili ang ranggong isa sa first honor ng Grade 3. Tinanggap namin kahapon ang certificates (principal’s list at  first honors – GA 95.77%) sa isinagawang academic convocation para sa 2nd quarter ng AY 2015-2016.

Katunayan, simula noong Grade 1 si Tea ay pasok na siya sa first honors. Naging kabilang din si Tea sa representante ng kanilang eskuwelahan  sa isang Math competition – MTAP. Nakasali siTea noong Grade 1 at Grade 2 siya. Salamat Lord.  Praise God.

Maraming salamat po Panginoon sa mga pamasko ninyo.

Ibinahagi ko sa inyo ito mga kababayan – ang ilan lamang sa hindi mabibilang na blessings mula sa Panginoon.

Para sa inyong kaalaman, hindi lamang tuwing Disyembre ang Pasko kundi araw-araw. Yes, kayong mga nag-aalala sa darating na Pasko – na baka ‘ika ninyo ay wala kayong matatanggap  sa darating sa Pasko. Maling pag-iisip iyan ha. Araw-araw po Pasko.

Anak, congratulations uli. Alam n’yo ba na tuwing convocation, simpleng reward lang ang hinihingi ng anak ko sa akin. Lutuan siya ng paborito niyang bilo-bilo at sinigang na baboy. Ayaw niyang kumain sa labas at sa halip nga po ay ipagluto siya ng kanyang paborito.  O suwerte ko ano. Laking tipid. Hehehehe.

What a daily Christmas gift from our Almighty God.

Tandaan ha, araw-araw ay Pasko… nagsimula iyan noong unang Pasko sa sabsaban doon sa Bethlehem.

Salamat uli sa pamasko mo anak.

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *