Sunday , December 22 2024

INC sumagot vs bugso ng paninira (Walang ebidensiya!)

1207 FRONT“Narinig lamang, sabi-sabi at walang pruweba.”

Ito ang naging reaksiyon ni Iglesia ni Cristo (INC) spokesman Edwil Zabala sa panibagong mga alegasyon ng iregularidad na muling ipinupukol sa pamunuan ng Iglesia na umano ay ‘binibiktima’ nang paulit-ulit at sinadyang mga hakbang upang sirain ang kanilang reputasyon, pagwatak-watakin ang mga kapatid at sa huli’y pasamain ang imahe ng Iglesia sa mata ng publiko.”

Ayon kay Zabala, matapos ‘ipinagwagwagan,’ ngunit nabigo sa pagtatangkang magsampa ng kasong kriminal laban sa pamunuan ng INC, lumalabas na ang mga kritiko ng Iglesia “ay hindi na gaanong nakatuon sa pagpapatunay ng kanilang mga paratang sa hukuman dahil nais na nila ngayong kasangkapanin ang media upang palalain ang pagdududa ng publiko at gibain ang samahan ng mga Kapatid sa paraan ng kakatwa at walang basehang mga alegasyon batay sa sabi-sabi.”

Partikular na tinukoy ni Zabala ang pinakahuling akusasyon ng Amerikanong dating ministro ng INC na si Vicente Florida na isinalarawan bilang “perpektong halimbawa ng paggamit sa mga pahayag na basura sa mata ng hukuman ngunit ginagawang basehan ng mga mapanirang balita.”

Ayon sa alegasyon ni Florida noong nakaraang linggo, may mga iregularidad sa pangangasiwa ng kinokolektang abuloy sa Amerika na ilang mga pinuno ng Iglesia ay sangkot sa pagpupuslit nito papunta sa mga banko sa Switzerland at Cayman Islands gamit ang mga eroplanong pagmamay-ari ng INC upang umiwas sa Internal Revenue Service (IRS) ng US.

Dahil umano sa nangyaring ito, ayon pa sa itiniwalag na ministro, isinumbong nila ang mga opisyal ng INC sa IRS.

Pinabulaanan ito ng IRS noong nagdaang linggo sa pamamagitan ni IRS Special Agent Arlette Lee na nagsabing walang nakasampang kaso tungkol sa tax fraud o ano mang paglabag sa panuntunan sa pagbubuwis laban sa kanino mang opisyal ng INC sa alin mang US federal court.

Nabigo rin magpresenta ng ano mang katunayan si Florida upang patotohanan ang mga alegasyon hinggil sa pagkakaroon ng mga pribadong eroplano ng INC.

Bilang tugon sa kahilingang magbigay ng ebidensya, sinabi ni Florida na “hindi ko iyon mapapanindigan, pero ‘yun ang aking mga narinig.”

Mariing sinabi ni Zabala, “napakadaling maghabi ng mga kuwento tungkol sa anomalya at ipakalat ito sa media,” ngunit kagaya umano ng dalawang kasong ibinasura ng DOJ kamakailan, “napakahirap patunayan ang mga kwento kung walang ebidensiya, at ito ang patuloy na ikinabibigo ng aming mga kritiko.”

Naglabasan ang panibagong mga alegasyon matapos ibasura ng Department of Justice, ilang linggo na ang nakakaraan ang mga kasong kriminal na isinampa laban sa pamunuan ng INC ng dating ministrong si Isaias Samson at ng itiniwalag na miyembrong si Jose Norlito Fruto dahil sa kawalan ng “probable cause” at dala ng kabiguang magpresinta ng ebidensiya upang patunayan ang kanilang mga paratang.

“Patuloy namin ipinapanalangin na bigyan ng kaliwanagan ang mga taong naninira sa amin. Kasabay nito, tinitiyak namin sa aming mga kababayan at mga kapatid na patuloy naming paninindigan ang panatang ipagtanggol ang Iglesia dahil nasa ating panig ang katotohanan,” ayon kay Zabala.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *