Sunday , December 22 2024

Eleksiyon sa 2016 Ililiban (TRO ng SC kapag nanatili)

NAGBABALA ang Commission on Elections (Comelec) na maaaring ipagpaliban ang May 9, 2016 elections kung hindi babawiin ng Korte Suprema ang temporary restraining order (TRO) laban sa “No Bio, No Boto” policy nito.

Ito ang sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista sa isang panayam.

“I hope na ma-realize nila. Kami naman ginagawa namin ang lahat ng magagawa para ma-meet ang deadline, pero kung ‘di namin kakayanin, anong gagawin natin? Baka kailangan nating i-postpone ‘yung ating halalan. Mas malaking gulo ‘yun,” wika ni Bautista.

Magsusumite aniya ng komento ng Comelec sa Supreme Court bago ang deadline sa Disyembre 11 upang ipaliwanag ang posibleng epekto ng TRO sa “No Bio, No Boto” policy.

“Iniisip ko ngang magsulat kaagad sa ating Korte Suprema at hingin nga, ipakita na baka magkaproblema ang halalan kung hindi nila i-lift ang temporary restraining order,” dagdag ng opisyal.

Binigyang-diin ni Bautista, sakaling mabigo ang Korte Suprema na bawiin ang TRO laban sa kanilang polisiya ay maapektohan ang paghahanda ng Comelec sa darating na halalan.

“‘Yung mga bagay na pinag-uukulan namin ng pansin— pagdating ng makina, iba’t ibang mga test na kailangang i-conduct sa mga makina, pagpa-finalize ng ating election management system, consolidation and counting system, ‘yung source code review ng mga vote counting machines— ang dami nito ‘e. Parang dikit-dikit or they are related to each other na kapag ang isa pinigilan mo, maaapektohan ang ibang bagay na ginagawa. Kaya nga napakahalaga na ma-finalize na namin ang list of voters,” dagdag ng Comelec chairman.

Magugunitang pinigil ng Korte Suprema ang implementasyon ng “No Bio, No Boto” ng Comelec o ang pagbabawal sa mga botante na bumoto kung hindi sumailalim sa biometrics. (HNT)

Law Enforcement Agencies deputado ng Comelec (Para sa honest, orderly, peaceful at credible 2016 elections)

BATAY sa inilabas na Comelec Resolution No. 10020, ‘deputized’ ng poll body ang iba’t ibang law enforcement agencies para tulungan sila na matiyak na maging honest, orderly, peaceful and credible 2016 national elections.

Sa nasabing resolution, inatasan ang Department of the Interior and Local Government, National Police Commission at Philippine National Police para magbigay ng seguridad sa mga polling places, voting centers, canvassing and consolidation centers at iba pang mga lugar, election paraphernalia, equipment, forms at supplies na gagamitin para sa May 9, 2016 elections.

Bibigyan din ng seguridad ng nasabing law enforcement agencies ang mga personnel ng Comelec, deputies at iba pang mga indibidwal na gumagawa ng election-related duties.

“Deploy at least time possible, troops for election duty in coordination with the concerned (Comelec) regional election director, provincial election supervisor and election officer,” nilalaman ng inilabas na resolution ng Comelec.

Sa nasabing resolution iniutos din nito sa NBI na arestohin ang sino mang indibidwal na lalabag sa batas lalo na sa halalan.

Comelec gun ban simula sa enero

NAGSIMULA nang maghanda ang Commission on Elections (Comelec) sa pakikipag tulungan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa seguridad na kanilang ipatutupad sa nalalapit na 2016 presidential elections.

Pinulong ni Comelec Chairman Andres Bautista sina PNP chief, Director General Ricardo Marquez, at AFP chief of staff General Hernando Iriberri nitong nakaraang Huwebes para pag-usapang ang kanilang plano para matiyak na mapayapa at maayos ang 2016 national elections.

Ang PNP at AFP ang inatasan para masiguro na maging credible at mapayapa ang halalan.

Kabilang sa napag-usapan sa nasabing closed-door meeting ang pagpapatupad ng nationwide gun ban na magsisimula na sa Enero 15, 2016 at ipatutupad ito hanggang Hulyo 15, 2016.

Sa panahon na ito, lahat ng Permits to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) na ibinibigay sa gun holders ay suspendido sa buong bansa.

Mahigpit na ipatutupad ng pulisya at militar ang nasabing gun ban at magtatalaga ng Joint Comelec-AFP-PNP checkpoint.

Habang seryosong tinutukan din ng PNP ang presensiya ng mga Private Armed Groups (PAGs).

Sa ngayon, nasa 80 partisan armed groups ang tinukoy ng mga awtoridad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *