Saturday , December 28 2024

Chiz, hindi ka ba naalarma sa lumalaking bilang ng rape cases sa Bicolandia!?

chiz binayKAHIRAPAN at talamak na pagkalat ng ilegal na droga ang itinuturong dahilan ng Philippine National Police (PNP) kung bakit tumataas ang bilang ng rape cases sa Bicolandia.

Mismong PNP sa Bicol ay naalarma nang makita nila ang estadistika pero ang matataas na opisyal ng pamahalaan lalo na ang Bicolanong gaya ni Senator Chiz Escudero, mukhang hindi nangangamba?

Napakasipag tumula ‘este’ magsalita ni Chiz sa iba’t ibang forum, na ALAM niya lahat ang solusyon ng mga problema sa bansa natin. Ganoon din  sa mga programa sa radio at telebisyon, pero kahit minsan ay hindi natin narinig na nangamba siya sa tumataas na porsiyento ng rape cases sa volume ng index crime sa Bicol.

Hindi siguro nararamdaman ng puso ni Chiz ang paghihinagpis ng mga biktima at ng mga kaanak nila.

Batay sa datos, 38-40 porsiyento ay incestuous rape o panggagahasa ng isang kamag-anak, gaya ng tatay, madrasto, lolo, tiyuhin o kapatid ang suspek.

Habang ang mga biktima mula edad dalawang taon-gulang sa pinakabata hanggang 53-anyos sa pinakamatanda.

Labis na ipinagtataka ng mga police officials kung bakit tumataas ang bilang ng rape cases gayong bumabagsak naman ang bilang ng index crime.

Sa depinisyon ng National Statistical and Coordination Board (NSCB), tinatawag na index ang krimen kung ito ay “sufficiently significant and which occur with sufficient regularity to be meaningful.”

Kabilang sa kategoryang ito ang murder, physical injury, robbery, theft at panggagahasa (rape).

Ibig sabihin ang panggagahasa ay nagiging regular na krimen na lang sa Bicolandia.

Bagamat may mga biruan na ang mga Bicolano ay mahihilig sa maanghang at tinatawag na mga ‘uragon’ palagay natin ay hindi naman katanggap-tanggap na bilangin na lang kung ilan ang nagagahasa sa bawat araw sa kanilang rehiyon.

At hindi rin naman siguro tatanggapin ng lipunan na komo uragon o mahilig sa maanghang ay rapist na.

Maging si Chief Supt. Augusto Marquez, na itinalaga bilang police regional director nitong Setyembre, ay hindi maipaliwanag kung bakit ang rape cases sa Bicol area ay 10 porsiyento sa kabuuan ng index crime volume.

Sa ulat, mula Enero hanggang Oktubre, ang rape cases ay umabot na sa 22 porsiyento sa kabuuan ng index crimes volume kompara sa limang (5) porsiyento o mas mababa pa sa ibang rehiyon.

Ang volume ng index crimes sa Bicol ay bumagsak sa 13 percent ng 9,882 kaso, kompara sa 13,592 sa kaparehong panahon noong 2014, ayon mismo sa Philippine National Police regional office.

Ngunit mayroong pagtaas ng 8 porsiyento sa rape cases na naitala mula Enero hanggang Oktubre, mula 14 porsiyento o 1,903 kaso sa kaparehong panahon noong 2014 hanggang 22 porsiyento o 2,174 kaso sa kasalukuyang taon.

Ibig sabihin, mas nag-i-enjoy mang-rape ang mga kriminal ngayon sa Bicol kaysa magnakaw o gumawa ng ibang krimen.

Uuliitn lang natin, kahirapan at talamak na pagkalat ng ilegal na droga ang itinuturong dahilan ng PNP kung bakit tumataas ang bilang ng rape cases sa Bicolandia.

At ayon mismo kay Marquez, “Still, these are just the reported cases in Bicol and I believe there are still a lot more of rape cases unreported.”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *