Monday , December 23 2024

Chiz, hindi ka ba naalarma sa lumalaking bilang ng rape cases sa Bicolandia!?

00 Bulabugin jerry yap jsyKAHIRAPAN at talamak na pagkalat ng ilegal na droga ang itinuturong dahilan ng Philippine National Police (PNP) kung bakit tumataas ang bilang ng rape cases sa Bicolandia.

Mismong PNP sa Bicol ay naalarma nang makita nila ang estadistika pero ang matataas na opisyal ng pamahalaan lalo na ang Bicolanong gaya ni Senator Chiz Escudero, mukhang hindi nangangamba?

Napakasipag tumula ‘este’ magsalita ni Chiz sa iba’t ibang forum, na ALAM niya lahat ang solusyon ng mga problema sa bansa natin. Ganoon din  sa mga programa sa radio at telebisyon, pero kahit minsan ay hindi natin narinig na nangamba siya sa tumataas na porsiyento ng rape cases sa volume ng index crime sa Bicol.

Hindi siguro nararamdaman ng puso ni Chiz ang paghihinagpis ng mga biktima at ng mga kaanak nila.

Batay sa datos, 38-40 porsiyento ay incestuous rape o panggagahasa ng isang kamag-anak, gaya ng tatay, madrasto, lolo, tiyuhin o kapatid ang suspek.

Habang ang mga biktima mula edad dalawang taon-gulang sa pinakabata hanggang 53-anyos sa pinakamatanda.

Labis na ipinagtataka ng mga police officials kung bakit tumataas ang bilang ng rape cases gayong bumabagsak naman ang bilang ng index crime.

Sa depinisyon ng National Statistical and Coordination Board (NSCB), tinatawag na index ang krimen kung ito ay “sufficiently significant and which occur with sufficient regularity to be meaningful.”

Kabilang sa kategoryang ito ang murder, physical injury, robbery, theft at panggagahasa (rape).

Ibig sabihin ang panggagahasa ay nagiging regular na krimen na lang sa Bicolandia.

Bagamat may mga biruan na ang mga Bicolano ay mahihilig sa maanghang at tinatawag na mga ‘uragon’ palagay natin ay hindi naman katanggap-tanggap na bilangin na lang kung ilan ang nagagahasa sa bawat araw sa kanilang rehiyon.

At hindi rin naman siguro tatanggapin ng lipunan na komo uragon o mahilig sa maanghang ay rapist na.

Maging si Chief Supt. Augusto Marquez, na itinalaga bilang police regional director nitong Setyembre, ay hindi maipaliwanag kung bakit ang rape cases sa Bicol area ay 10 porsiyento sa kabuuan ng index crime volume.

Sa ulat, mula Enero hanggang Oktubre, ang rape cases ay umabot na sa 22 porsiyento sa kabuuan ng index crimes volume kompara sa limang (5) porsiyento o mas mababa pa sa ibang rehiyon.

Ang volume ng index crimes sa Bicol ay bumagsak sa 13 percent ng 9,882 kaso, kompara sa 13,592 sa kaparehong panahon noong 2014, ayon mismo sa Philippine National Police regional office.

Ngunit mayroong pagtaas ng 8 porsiyento sa rape cases na naitala mula Enero hanggang Oktubre, mula 14 porsiyento o 1,903 kaso sa kaparehong panahon noong 2014 hanggang 22 porsiyento o 2,174 kaso sa kasalukuyang taon.

Ibig sabihin, mas nag-i-enjoy mang-rape ang mga kriminal ngayon sa Bicol kaysa magnakaw o gumawa ng ibang krimen.

Uuliitn lang natin, kahirapan at talamak na pagkalat ng ilegal na droga ang itinuturong dahilan ng PNP kung bakit tumataas ang bilang ng rape cases sa Bicolandia.

At ayon mismo kay Marquez, “Still, these are just the reported cases in Bicol and I believe there are still a lot more of rape cases unreported.”

Isang taon na pala sa BI si AC Gilbert Repizo

Isang maligayang pagbati kay Associate Commissioner and now Commissioner-In-Charge for Border Control Operations Gilbert U. Repizo ang ating iginagawad para sa kanyang unang anibersaryo sa Bureau of Immigration (BI).

Ang bilis talaga ng panahon, naka-one year na rin pala si AC Repizo sa bureau. Palibhasa kilalang malapit ang loob sa mga empleyado ng Bureau kaya kitang-kita ang buong respeto at pagmamahal na iniuukol, hindi lamang ng organic employees kundi ganoon din ng mga contractual personnel para kay AC Repizo.

Isa siya sa masigasig na nagla-lobby sa house of representatives para hindi maalis ang overtime pay ng BI employees.

Sabi nga ng BI employees, “Si AssComm. Repizo parang GILAS…may PUSO!”

P2 power rate hike haharangin ni Neri

PAANO magiging maligaya ang ating Pasko at masagana ang Bagong Taon kung sasalubungin tayo ng P2 pagtatataas ng presyo ng koryente?

Mabuti na lamang at naririyan sa Kongreso si party-list Rep. Nero Colmenares.

Itinapat pa man din sa darating na Pasko at Bagong Taon.

Nangako si Rep. Neri na haharangin umano niya ang taas-presyong P2.0627 per kilowatt-hour (kWh) sa Luzon, P2.3236 per kWh sa Visayas at P1.4534 per kWh sa Mindanao.

Aniya, ang additional operating costs ng Napocor ay dahil sa nagagastang NPC-SPUG (Small Power Utilities Group) bilang resulta ng fluctuation of fuel prices na ginamit ng power generation.

Walang duda na magagawa ‘yan ni Neri dahil nagawa na nila noon ‘yan.

Ganyan dapat ang gawin ng iba pang mga kandidatong politiko.

Bilib na tayo dati kay Neri pero ngayon, lalo pa tayong bumilib sa kanya!

Pergalan ni Jessica sa Dasmariñas, Cavite

HATAW sa mga sugarol at adik ang perya plus sugalan ni Jessica ngayon sa isang bakanteng lote sa harapan ng Petron gas station sa Aguinaldo Hi-way, Salitran Dasmariñas, Cavite.

Cavite PD S/Supt. Eliseo Cruz, nai-timbre na ba sa inyo ng mga pulis ninyo ang pergalan ni Jessica!?

Haping-hapi ang pergalan ni Popo sa QC

QCPD district director Gen. Edgardo Tinio, sobrang astig ba ni Popo sa iyong mga pulis kaya kahit may petition ang mga residente ng Bago Bantay sa Project 6 ay hindi natitinag ang perya-sugalan ni Popo!?

FYI Sir Tinio, dinudumog daw talaga ang mga mesa ng color games na pawang kabataan ang naloloko sa nasabing sugal.

Pakitanong na lang ang police station sa area na ‘yan kung ‘happy’ rin sila sa pergalan ni Popo?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *