Monday , December 23 2024

Helper tinuklaw ng cobra kritikal

1206 FRONTCAUAYAN CITY, Isabela – Kritikal ang kondisyon ng isang helper makaraang tuklawin ng cobra sa Brgy. Tagaran, Cauayan City kamakalawa.

Ang biktima ay si Joseph Mora, 37, residente ng Linao, Tuguegarao City.

Inihayag ni Ginang Angelina Mora, habang naglilinis ang kanyang anak sa kanyang silid ay kanyang nakita at aksidenteng nahawakan ang mahigit isang metrong habang cobra dulot nang matinding pagkabigla.

Sa takot ng biktima, napasigaw siya at humingi ng tulong sa kanyang among lalaki.

Pinuluputan ng cobra ang kamay ni Joseph at dalawang beses na tinuklaw sa hita, dahilan para mawalan ng malay.

Ayon kay Gng. Mora, sinabi sa kanya ng doktor na mahina ang pintig ng puso ng anak at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik ang kanyang malay.

Ang cobra ay pinagpapalo ng kahoy hanggang mamatay ng amo ng biktima.

Mayroong butas sa lupa malapit sa kuwarto ng biktima na maaaring pinamahayan ng cobra na pumasok sa silid ni Mora.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *