Saturday , November 23 2024

TRO sa UBER at sa GRABCAR ng QC court makatulong kaya?

uber grabcarNAGTAGUMPAY ang Angat Tsuper Samahan ng mga Tsuper at Operator ng Pilipinas Genuine Organization (STOP and GO) Transport Coalition na makakuha ng temporary restraining order (TRO) sa Quezon City Regional Trial Court Branch laban sa Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Uber at GrabCar.

Ang naghain ng petisyon ay si Pascual “Jun” Magno, presidente ng Angat Tsuper Samahan ng mga Tsuper at Operator ng Pilipinas Genuine Organization (STOP and GO) Transport Coalition.

Anila, bakit pinapayagan na mag-operate ang Uber at GrabCar gayong wala naman silang prangkisa.

Apektado na rin umano ang kanilang “vested interest” dahil sa issuance ng provisional interest sa TNVS vehicles.                

Ang UBER at ang GrabCar ay labis umanong nakaaapekto sa kanilang kita sa araw-araw. Dati nang nabawasan ang kanilang kita pero lalo bang lumiit nang lumabas ang Uber at GrabCar.

Tiyak na magkakahirapan sa sasakyan lalo na ngayong Christmas season dahil marami na rin ang nasanay at mas tiwala sa Uber at GrabCar.

Alam n’yo naman tuwing ganitong panahon, may mga salbaheng taxi driver na sinasamantala ang pangangailangan sa sasakyan ng mga pasahero lalo na ‘yung mga namimili na maraming bitbit pag-uwi.

Mga nangongontrata, may nag-iinarte na namimili kung saan maghahatid  at mayroon talagang tinatangay pa ‘yung pinamili ng pasahero.

At kung mamalasin ka ay maho-holdap ka pa!

Kaya nga, marami ang nagtiwala sa Uber at sa GrabCar kasi alam nilang malayong gumawa ng kalokohan ‘yung mga driver/operator.

Malinis at mabango pa ang kanilang mga sasakyan.

Isa lang ang solusyon diyan, kung ayaw ng mga taxi na magkaroon ng kakompetensiya, ayusin nila ang serbisyo sa mga pasahero!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *