Saturday , December 28 2024

Boy Turo na ba si Sen. Chiz?

chiz liberal partyMATAPOS i-disqualified ng Commission on Elections (Comelec) 2nd Division si Sen. Grace Poe dahil sa kakapusan ng araw sa kanyang paninirahan sa bansa, biglang rumepeke ng pagtuturo si Sen. Francis “Chiz” Escudero.

Hindi raw siya naniniwalang si UNA presidential bet Jejomar Binay ang nasa likod ng disqualification ng Comelec kay Sen. Grace.

Mas itinuturo ni Chiz ang kampo ni Mar Roxas.

Naniniwala si Chiz na mas may kapasidad umano ang kampo ni Mar na gumawa nang ganitong operasyon laban sa kandidatong hindi nawawala sa No. 1 sa iba’t ibang survey.

Tingin natin ay walang saysay ang pagsasalita at mga pagbibintang ni Sen. Chiz.

Ang pagbibintang ay mahinang depensa.

Mas dapat na mag-isip kung paano nila ipapanalo sa Supreme Court ang disqualification laban kay Sen. Grace.

Kung kompiyansa ang kampo nina Sen. Grace at Sen. Chiz na kompleto ang mga dokumentong ipinasa nila sa Comelec, trabaho na ng mga abogado nila ‘yan.

Tigilan na ni Chiz ang pagiging ‘Boy Turo’ dahil lalo lamang nauubos ang oras ng kanyang ‘Presidente’ sa kasasagot sa mga bagay na hindi naman niya dapat sagutin. 

 Alam nating malaking krisis ito para sa isang kandidato sa panguluhan kaya nga dapat na maging mas matalas kung paano ito sasagutin.

Hindi kailangang ‘nagsasalita’ lahat, dapat may nag-iisip at may gumagawa rin.

Huwag nang agawan ng papel ni Chiz si Grace, kasi hindi naman siya ang presidentiable.

O ‘di ba naman?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *