Monday , December 23 2024

20-day TRO vs Uber, Grabcar

1205 FRONTNAGPALABAS ng temporary restraining order (TRO) ang Quezon City Regional Trial Court laban sa operasyon ng Uber at Grab Car na pawang online based transport service.

Base sa inilabas na kautusan ng QCRTC Branch 217, pagbabawalan munang mag-operate ang Uber at Grab Car sa loob ng 20 araw.

Ang TRO ay bilang tugon sa petisyon ng grupong Stop and Go Coalition.

Sinabi nila sa kanilang argumento na apektado ang kinikita ng transport utilities na mayroong prangkisa dahil sa naglitawang online based transport service na wala namang mga prangkisa.

Iginiit nila na labag sa batas ang transportation network vehicle service, ngunit nakakuha pa rin ng basbas ng DoTC.

Hinala tuloy ng ilan, may papel sa permit ng DoTC ang ilang maimpluwensyang Uber operator tulad ni Kris Aquino, bagay na itinatanggi ng TV host/actress.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *