Friday , January 10 2025

Poe mananatili sa list of candidates

NILINAW ng Comelec na hindi na kailangan pa ng kampo ni Sen. Grace Poe na maghain ng petisyon para lamang makasama sa ililimbag na balota ang pangalan ng senadora kahit may mga kinakaharap na disqualification case.

Paliwanag ito ni Comelec Spokesman James Jimenez, kasunod nang pagsugod ng mga tagasuporta ng senadora sa punong tanggapan ng poll body.

Ilan sa kanila ang nagtanong kung kailangan pang maghain ng pormal na kahilingan para panatilihin ang pangalan ng presidential bet kahit sa balota dahil may tiyansa pa anila sila na iapela ang kaso.

Ayon kay Jimenez, hindi na obligado ang kampo ng kandidato na humirit ng ganito dahil pagpapasyahan iyon ng commission en banc bago mag-imprenta.

“No need for petition. Pero en banc nga po ang magde-decide kung sino ang masasama sa official list of candidates,” wika ni Jimenez.

Dahil dito, mananatili pa rin ang pangalan ni Poe sa listahan bilang konsiderasyon sa posibleng maging hatol ng Supreme Court (SC).

Una nang sinabi ni Poe na maaaring iaakyat nila ang kanilang apela hanggang sa SC.

“Patuloy lang po nating susundin ang proseso. Sabi nga natin, ito’y parang isang boksing, pangalawang round pa lang. Nagwagi na tayo sa SET; sa COMELEC maaaring hindi tayo magwagi pero nandiyan pa rin ang Korte Suprema,” pahayag pa ni Poe.

About Hataw News Team

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *