Friday , November 15 2024

Humatol sa DQ ni Poe walang K — Kapunan (Walang election lawyer sa Comelec 2nd Division)

1204 FRONTDAHIL sa kawalan ng beteranong election lawyer sa 2nd Division ng Comelec na nagdiskwalipika sa presidential frontrunner na si Sen. Grace Poe, mariing sinabi ni Galing at Puso senatorial candidate Atty. Lorna Kapunan na hindi siya magtataka kung ang nasabing desisyon ay mababaliktad ng Comelec En Bac at ng Korte Suprema.

“Ang election law ay isang expertise, isang linya ng abogasya na pinagkakadalubhasaan. Taon ang bibilangin sa practice nito bago kilalanin bilang isang eksperto. Nakalulungkot lang na wala ni isa nito sa second division na sasapat sa pamantayang ito,” ayon kay Kapunan. 

Tinuran ni Kapunan na si Al Parreño, ang chairman ng nasabing dibisyon, ay umamin mismo sa mga panayam ng media na ang kanyang pagkakahirang sa komisyon ay dahil sa kanyang pagiging eksperto sa ‘information technology, at hindi sa kanyang galing sa election law.     

“Ang pinakahuling puwesto ni Parreño bago lumipat sa Comelec ay sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) noong si Mar Roxas ay kalihim pa ng Department of Transportation and Communications (DOTC). Hindi siya election lawyer,” paliwanag ni Kapunan.

Si Art Lim naman ay kilalang mahusay na litigador sa mga pagdinig sa hukuman, at kasama ito sa mga piskal sa paglilitis kay Chief Justice Corona. Ngunit sa hinaba-haba ng kanyang practice, hindi nakilala bilang election lawyer,” ayon sa batikang abogadang sumikat nang husto dahil sa malalaking kasong hinawakan.      

“With all due respect to these commissioners, wala naman akong personal na isyu laban sa kanila dahil ang dalawa ay kabilang sa Sigma Rho, ang fraternity na kinabibilangan din ng yumao kong kabiyak,” niya. 

Pagdating naman sa pangatlong miyembro ng nasabing dibisyon na si Sherrif Abbas, sinabi ni Kapunan na ang kanyang panunungkulan bilang legal officer sa Civil Sevice Commission “ay maaaring nakapagbigay sa kanya ng kaalaman sa batas hinggil sa serbisyo sibil, ngunit hindi ng kasanayan sa batas ng halalan.”

Dahil dito, tiwalang tinuran ni kapunan na kapag iniakyat na sa Korte Suprema ang nasabing kaso, “higit na may kakayahan ang ating mga mahistrado na suriin ang mga elemento ng kasong ito.”  

“Nasa panig natin ang batas. Maging ang mga kapasyahan ng hukuman ay nasa ating panig. At ang taumbayan ay kakampi natin. Naniniwala tayo na sa kahulihulihan, mananaig ang pag-iral ng katotohanan at tuloy ang laban ni Sen. Grace sa panguluhan.”

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *