Urong–sulong ni Duterte hindi patok sa pinoy
Johnny Balani
December 3, 2015
Opinion
SA simula pa lamang ‘igan, ay sinambit na ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang mga katagang… “wala siyang ambisyong maging Pa-ngulo ng bansa…pagod na pagod na siya, kung kaya’t gusto na n’yang magretiro sa larangan ng politika. Ngunit kabaliktaran ngayon ang nangyayari! Hayun at todo ang kampanya at sinisigurado na ang kanyang pagkapanalo at titiyaking magiging maayos, tahimik at payapa ang P’nas sa kanyang pamamalakad, tulad ng ginawa niya sa Lungsod ng Davao. Pero, kumusta naman kaya ang mga taga-Davao? Totoo nga bang napabilib at iginalang s’ya ng mga Kababayan n’ya?
Sa totoo lang, takot ang nasa puso’t isipan ng mga taga-Davao. Hindi na umano makatao at talaga namang makahayop umano ang sistemang pinaiiral partikular sa mga kriminal. Aba’y hinay-hinay lang sa pagpapatumba umano ng masasamang elemento ng lipunan. Natatapakan n’yo na po ang karapatang pantao. Idaan lahat sa tamang proseso at legal na pamamaraan. Tamang ipakita ang totoong ikaw, pero kayo na mga ‘igan ang humusga kung sino ang napupusuan n’yong iluluklok na pangulo, na nagta-taglay ng mga katangiang maka-Diyos, maka-bayan, makakalikasan at higit sa lahat… MAKATAO.
Manila–Urban resettlement perhuwisyong totoo?
AYON sa aking “Pipit” mga ‘igan, nagsadya sa Manila Barangay Bureau ang ilang residente, sa pangunguna ni Kagawad Wilfredo Paalan, ng Brgy. 355 Zone 36 District III, Sta. Cruz, Manila, na pinamumunuan ni Barangay Chairman Renato Cajayon, upang ihingi ng tulong ang perhuwisyong ginagawa umano ng nagngangalang Mr. Carrel Douglas E. Gutianjo ng Manila Urban Resettlement Office. Mantakin n’yong umabot sa apat na araw ang paghingi ng “certification” sa nasabing opisina, na kakailanganin naman ng ilang residente ng nabanggit na barangay sa kanilang pag-a-apply ng legal na linya ng koryente sa Meralco.
Ay sus, bulong pa ng aking “Pipit”… nanghihingi umano si Mang Carrel Douglas ng tig-iisangdaang piso (P100) sa bawat papel (Certification) na pinagagawa sa kanya. E, nagkataong 25 certification ang lahat ng ini-request ng Brgy. 355 nang araw na ‘yun. Aba’y teka, may katotohanan ba ito? Pinerhuwisyo na sila na walang koryente nang apat na araw, pineperahan pa? Paging Manila Urban Resettlement, City Government Dep’t head III Victoria S. Clavel, Madam, huwag po natin palagpasin ang katarantaduhang ito ng inyong katiwala nang hindi na pamarisan pa! Kung may katotohanan ang sumbong na ito, aba’y bigyan ng leksyon ang “mamang” ito nang tumino! Serbisyong totoo lang ang kailangan.
Chairman Eric Paredes Maaasahan!
BILIB na talaga ang BBB dito kay Brgy. Salawag, Dasmariñas City, Cavite Chairman Eric Paredes. Akalain ninyo mga ‘igan, isang gabi, sa paglilibot ng aking “Pipit,” napadpad sa health center ni Chairman at kasalukuyang may nanganganak doon! Nagulat ang lahat nang biglang mag–brownout sa nasabing lugar, na napakalaking problema sa mga oras na iyon! Pero hindi ito naging usapin sa nasabing health center. Bakit kamo? May nagamit na sariling “portable gene-rator” sa panganganak ang babaing nasa bingit noonng kamatayan! Wow! Napakagandang proyekto ito Chairman. Maaasahan kang tunay ng sambayanang barangay Salawag!
Sino pa kayang Barangay Chairman ang katulad ng mamang ito na walang inisip kundi ang magandang kapakanan at kapakinabangan ng kanyang Barangay?
Punong Barangay ‘este’ Dating Barangay Kagawad Epitacio C. Diana, good luck po sa inyong political career… go go go… at belated happy b-day po kay District V Konsehal ‘este’ Barangay Chairman Jimmy Adriano! Good luck and more blessings to come.
Saludo po ang BBB sa inyong lahat!