Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PH-US Maritime Security Training inamin ng AFP

KINOMPIRMA ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mayroong nagaganap na maritime security bilateral training ang mga sundalong Filipino at US Forces.

Ngunit inilinaw ni Iriberri na walang kaugnayan sa isyu ng West Philippine Sea ang nasabing exercise na tinawag na Marsec o maritime security training.

Ito’y kasunod sa presensiya ng dalawang US aircraft na naka-standby sa Clark Air Base, Pampanga na nakita noong nakaraang Sabado kasabay sa pagdating ng dalawang FA-50 fighter jets mula sa South Korea.

Sinabi ni Iriberri, nakatutok ang aktibidad sa maritime security bilateral training ng puwersa ng Filipinas at US forces.

Dagdag ni Iriberri, ang nasabing training exercise ay kasama sa ‘list of activities’ na naaprubahan ng Mutual Defense Board at Security Engagement Board (MDB-SEB) para sa taon 2015.

Hindi matiyak ni Iriberri kung kailan nag-umpisa ang nasabing joint PH-US maritime security training ngunit pagtiyak niya, tuloy-tuloy ang ang nasabing aktibidad.

Pagbibigay-diin ng heneral, walang actual exercise na mangyayari kundi puro pagsasanay lamang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …