Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TRO kontra no bio, no boto inisyu ng SC

NAG-ISYU ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) sa ipinatutupad na “No bio, no boto” policy ng Comelec.

Nangangahulugan ito na muling nabuksan ang posibilidad na makaboto, kahit ang walang kompletong biometrics data.

Una rito, dumulog sa Korte Suprema ang Kabataan party-list para kwestiyonin ang constitutionality ng “No bio, no boto” campaign ng Comelec.

Sa kanilang 32-pahinang petition for certiorari and prohibition, sinabi ni Kabataan party-list Rep. Terry Ridon, umaabot sa mahigit sa 3,000,000 botante ang nawalan ng karapatang bumoto dahil sa nasabing polisiya ng poll body.

Bukod dito, kinuwestyon din ng Kabataan Party-list ang October 31, 2015 deadline para sa nasabing kampanya.

Sa kanilang naunang petisyon, iginiit na base sa umiiral na Election Omnibus Code, 120-days bago ang mismong araw ng eleksyon ay maaari pang magpa-rehistro ang isang bontante.

Kung susundin ang batas, maaari pa raw magparehistro ang isang bontante hanggang sa unang linggo ng buwan ng Enero 2016.

Ngunit sa panig ng Comelec, sinabi nilang kakapusin ng panahon sa election preparation kung pagbibigyan ang kahilingan ng petitioner.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …