Monday , December 23 2024

Poe diskwalipikado

DISKWALIPIKADO si Sen. Grace Poe para kumandidatong pangulo sa 2016 elections.

Ito ang desisyon na inilabas ng Commission on Elections (Comelec) Second Division sa botong 3-0.

Ayon sa Comelec, hindi umabot si Poe sa residency requirement na 10 taon na iniaatas ng Kons-titusyon para sa mga kakandidatong pangulo.

Ang petisyon na dinisesyonan ng Comelec ay inihain ng abogadong si Atty. Estrella Elamparo.

Batay sa desisyon ng Comelec Second Division na binubuo nina Al Parreno, Arthur Lim at She-riff Abas, naging residente ng Filipinas si Sen. Poe noong Hulyo 2006 nang mag-apply ng dual citizenship.

Kaya kulang siya ng dalawang buwan para makompleto ang 10 taon residency requirement.

Nabatid na apat na disqualification cases ang inihain sa Comelec laban kay Sen. Poe.

Makaraang lumabas ang desisyon ng Comelec kaugnay sa kanyang diskwalipikasyon, agad nagpalabas si Poe ng reaksiyon.

“Ikinalulungkot ko ang naging desisyon ng Comelec Second Division pero hindi po rito natatapos ang proseso. Patuloy po nating ipaglalaban ang karapatan ng mga batang pulot at ang pangunahing karapatan ng mamamayan na pumili ng kanilang mga pinuno.” 

Muling iginiit ni Poe na siya ay isang natural-born Filipino at may sapat na bilang ng taon ng pananatili sa bansa para kumandidato sa pagka-pangulo.

“Batid kong gagawin ng aking mga kritiko ang lahat para hindi mapabilang ang aking pangalan sa balota gaya ng sinubukan nilang gawin kay FPJ nang tumakbo siya sa pagka-pangulo. Ipinakikita lang nila ang kawalan nila ng tiwala sa kakayahan ng mga Filipino na gumawa nang tamang desisyon.” 

Gayonman, sinabi ni Poe na malaki pa rin ang tiwala niya sa proseso at nananalig na sana sa huli, ang Comelec en banc ay papanig sa interes ng mamamayan.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *