Sunday , December 22 2024

Paano natiyak  ni Duterte na mananalo siya?

00 firing line robert roqueNoong una ay nagdeklara si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi siya tatakbo sa mga kadahilanang wala siyang ambisyon na maging pangulo, matanda na at nais magretiro sa pulitika, at may sakit.

Pero biglang nagbago ang ihip ng hangin at nagdesisyon siyang mag-file ng certificate of candidacy (COC), sa pamamagitan ng kanyang mga abogado.

Ang rason? Ayaw raw niyang magkaroon ng pangulo na Amerikano. Hindi kaya mababaw ang dahilan? Inaasahan ko pa naman na ang kanyang rason ay makapagbibigay ng inspirasyon sa marami, o kaya ay pagtugon sa isang banal na adhikain, pero hindi.

At paano niya natiyak na mananalo si Grace Poe kung hindi siya tatakbo? O baguhin natin ang tanong: Paano siya nakatitiyak na kung tatakbo siya para pangulo ng bansa, ay matatalo niya o kaya ay mapipigilan man lang si Poe na manalo?

May mga ibang dahilan pa kung bakit hindi siya gusto ng marami bilang kandidato. Isa rito ay ang pagiging urong-sulong sa pagtakbo. Estratehiya man ito o hindi ay lumalabas na pabagu-bago ang kanyang isipan.

Nang makapagdesisyon siya sa pagtakbo, marami sa kanyang tagasuporta ang nakalipat at ibang kandidato na ang sinusuportahan. Hindi na magugulat ang marami kung muli siyang aatras para suportahan ang ibang kandidato.

Hindi rin pabor ang marami sa kuwestyonable niyang track record pagdating sa karapatang pantao. Naugnay siya sa Davao death squad (DDS) na nasa likod ng maraming pamamaslang sa mga pinaghihinalaan pa lang na lumabag sa batas.

Negatibo rin ang dating ng minsan-minsang ikinikilos ni Duterte na nagpapahiwatig na puwede siyang maging diktador. 

Hindi rin puwedeng balewalain ang katotohanang malaking bahagi sa tagumpay ng presidentiable ang pampulitikang makinarya, na makikita sa pondo at bilang ng tao na magagamit. Ang LP at UNA ay kapwa malawak ang makinarya, na maaaring hindi kayang tapatan ng PDP-Laban na kinabibilangan ni Duterte.

May mga kandidato sila sa halos lahat ng puwestong lokal o pang-national, na inaasahang kakampanya para sa kandidato ng kani-kanilang partido. Ang PDP-Laban ay mayroon din, marahil.

Kaya naniniwala ako na maputik at maraming lubak sa daraanan ni Duterte patungong Malacañang. Mas mabuti pa sa kanya ang patakbuhin ang mga bagay-bagay sa Davao City. 

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *