MATINIK at WAIS.
Isa ho ‘yan sa mga karakter na puwedeng ikapit kay Sen. Chiz Escudero na ngayon ay tumatakbong vice president sa independiyenteng kapasidad.
Sabi nga, hindi mararating ni Chiz ang kanyang kinaroroonan ngayon kung hindi siya mautak ‘di ba?
Sa totoo lang, maging ang kanyang kasal umano sa aktres na si Heart Evangelista ay maituturing na preparasyon para sa kanyang pangarap na maging bise presidente ng bansa.
Isa riyan ang pagkuha ng mga ninong at ninang na hindi lang influential at Taipan kung hindi puwedeng gawing ‘baka’ o election campaign contributors.
Sabi nga, ang kasal ni Chiz kay Heart dinaluhan ng mga tinatatawag na big guns sa politics, business, media at showbiz.
Unang-una na riyan ang anak ni Henry Sy ng SM group of companies na si Hans Sy. Si Ramon Ang, presidente at CEO ng San Miguel Corporation. Fernando Zobel ng Ayala Corporation. Andrew Tan ng Megaworld Corporation. Lance Gokongwei ng Robinson’s Corporation, Cebu Pacific at JG Summit. Property developer na si Gerry Acuzar ng New San Jose Builders, kilalang bilas ni Executive Secretary Paquito Ochoa. At si Bobby Ongpin ng Alphaland Property at may-ari ng Balesin Island resort, na pinagdausan ng kasal.
Ang mga bigtime sa politika na si Isabela Governor Faustino Dy Jr., ang punong lungsod ng Tuna Capital of the Philippines na si General Santos City Mayor Adelbert Antonio at siyempre ang Sorsogon Mayor na si Esther Hamor.
Hebigat ‘di ba!?
Ngayon natin naiintindihan kung bakit hindi maubos-ubos ang suwerte ni keso ‘este’ Chiz.
Dahil lahat yata ng kanyang ginagawa ay ginagamitan niya ng utak at wais na diskarte.
Batay sa kanyang SALN, si Chiz ay deklaradong, ‘2nd poorest senator’ ng bansa at minsan pa ngang naging ‘poorest’ matapos ang kanyang annulment sa unang misis na si Tintin, pero nakagugulat ang rangya ng tinaguriang ‘wedding of the year.’
Nagkasundo man sila na maghati sa gastos ng kanyang bride o nagkasundong sagutin ng kanyang bride, hindi kayang pasubalian na marangyang-marangya as in parang ‘fairy-tale’ na maituturing ang kanilang kasal.
Remember, ang millions-worth engagement and wedding rings na ibinigay ni Chiz kay Heart?
Huwag na nating pag-usapan ang isyung ‘conflict of interest’ sa kasalang ito, dahil si Chiz ay isang public servant.
Pero ang mas malinaw na nakikita natin dito, ang pagbuhos ng campaign funds para kay Chiz para sa 2016 elections.
Ano man ang maging resulta ng eleksiyon sa 2016, pihado mayroong trabaho ang Comelec at ang Commission on Audit (COA) para alamin kung magkano ang mga pumasok na campaign contributions para kay Chiz.
Sabi nga ng mahuhusay kumuwenta, malamang sa laki ng konstribusyon ‘e baka kumita pa si Chiz kahit matalo?!
SOJ BEN CAGUIOA NAGBIGAY NG BAGONG LIWANAG SA BI
HE is our “Knight in Shining Armor!”
Ito ang description nang halos lahat ng nagbubunying mga empleyado sa Bureau of immigration mula nang umupong Secretary of Justice si Hon. Alfredo Benjamin Caguioa.
Pakiramdam daw kasi nang lahat ay siya na ang ipinadalang “sugo” or “savior” para maging tagapagtanggol ng mga naaapi at muling magpagaan ng pakiramdam ng mga empleyadong na-demoralized mula nang makatikim nang hindi parehas na pamamalakad ng kasalukuyang Commissioner.
Talaga namang hindi natutulog ang Diyos at talagang napakabilis tumama ng karma.
Kaya ‘yang mga alipores at mga kampon ng taong nagpahirap nang husto sa Bureau, maging ‘yung mga hepe at ilang opisyales na nagpagamit at nang-agrabyado ng mga kasama nila sa Immigration, ay saktong-sakto sa kasabihang — “Dumating na ang ‘tamang panahon’ sa inyo!”
Since kinalimutan n’yo ang “Golden Rule,” hintayin n’yo na lang ang pagtama rin sa inyo ng KARMA!
C/SUPT. ELMER JAMIAS AT C/SUPT. FRANCISCO BALAGTAS HINIHINTAY NA SA MPD
Dahil sa kaliwa’t kanan na ang iba’t ibang klase ng ilegal na sugal sa AOR ni C/Supt. Rolly Nana ay maraming MPD personnel ang nagdarasal na sana’y magbago na ang kalakaran at liderato sa MPD.
Wala naman tayong masamang tinapay kay Gen. Rolly Nana…
Ipinararating ko lang ang hinaing ng kanyang mga pulis at baka siya na lang ang hindi pa nakaaalam. Aba’y sa administrasyon mo lang daw Gen. Nana namayagpag na naman ang 1602 cops at mga bagman.
Kahit itanong n’yo pa sa inyong media-medyasan on-line sulsoltant!
Kawawa ang matitinong pulis sa MPD na nagtatrabaho nang tapat sa kanilang tungkulin pero ang nakikinabang ay ilang tulisan na pulis na kolektong ng tara y tangga.
Mantakin ninyo, PO1 pa lang ay video karera operator na sa Maynila?!
Lalo na raw riyan sa MPD HQ na ang happy lang ay ang notoryus na ‘delihensiya group’ ni Kupitan!
Kaya nang pumutok ang balita na ililipat at itatalagang bagong MPD district director si Gen. Boyet Balagtas o si Gen. Elmer Jamias ay halos magtalunan sa galak ang mga pulis-Maynila.
Friendly advice lang Gen. Rolly Nana, shape up or ship out!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com