Mayor Fred Lim sa survey pa lang panalong-panalo na
Jerry Yap
November 29, 2015
Opinion
NAGBUNYI ang mga Manileño nang lumabas sa isinagawang survey ng Philippine Polls Online (PPOL) para sa nalalapit na halalan sa 2016 na nangunguna si Mayor Alfredo Lim habang malayong nakabuntot sina dating Pangulo at incumbent Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada at outgoing Manila District V Representative Amado Bagatsing.
Sa tanong “kung sino ang nais ninyong susunod na mayor ng Maynila,” nakuha ni Mayor Lim ang 64 porsyento habang sina Estrada at Bagatsing ay nakakuha lamang ng 28 at 8 porsyento.
Hindi na tayo nagtataka sa resultang ito.
Maraming Manileño ang napatunayan sa kanilang mga sarili na mali ang kanilang desisyon nooong nakaraang eleksiyon at ayaw na nilang mangyari ulit ito.
Kung noong panahon ni Mayor Lim ay nakakukuha sila ng malaking suporta mula sa programa ng lokal na pamahalaan ng Maynila na wala silang gastos sa pag-aaral ng mga anak nila sa elementary hanggang high school at extended pa sa kolehiyo kapag nakapasa sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) o sa City College of Manila (Universidad de Manila), ngayon, may bayad na ang school ID card ng mga bata at uniporme sa P.E. late pang dumating.
Aba, matatapos na ang 2015 nang matanggap ng mga bata sa elementary at high school ang kanilang mga school ID card at P.E. uniform.
Takot na takot din magkasakit ang mga Manileño ngayon dahil lahat ng serbisyo sa anim na ospital ng Maynila ay may bayad na.
Bukod pa ‘yan sa isyu na, may bayad na nga, nanggigitata pa.
‘Yung mga palengke na ipinagbibili sa mga pribadong kompanya?! Basura, traffic at problema sa peace and order?!
Naturalmente masasalamin sa survey kung gaano lumaki ang suporta kay Lim sa nakalipas na mga buwan dahil napatunayan ng mga Manileño na walang planong magserbisyo nang tama ng administrasyon ngayon.
Kaya ang tanong nga natin sa mga Manileño, ano ba ang gusto nila, kaayusan at kaunlaran o konting baryang iniaabot sa kanila tuwing eleksiyon?!
KAAYUSAN at KAUNLARAN!
‘Yan ang sigaw na sagot ng mga Manileño dahil sabi nga nila, L-aban I-to ng M-aynila!
Isang makabuluhan at masayang kaarawan Konsehal (to be) Jimmy Adriano!
BINABATI po natin si Barangay Chairman Jimmy Adriano ng Barangay 718, Zone 8, Malate, Maynila ng isang happy, happy birthday!
Si Chairman Adriano po ay isa sa maipagmamalaking barangay chairman ng Maynila.
Ang kanyang barangay sa Malate, Maynila ay isa sa maituturing na may maunlad na komersiyo.
Siyempre hindi uunlad ang komersiyo sa isang lugar kung hindi kayang panghawakan ang peace and order.
At ‘yan ang expertise ni Chairman Adriano – peace & order.
Wish natin ngayong birthday niya, sana’y lumawak pa ang kapasidad ng kanyang paglilingkod sa mga Manileño.
At mangyayari lang po iyon kung siya ay magiging konsehal ng Maynila pagkatapos ng eleksiyon sa Mayo 9, 2016.
Yes, isa po siya sa mga paboritong maging konsehal ng mga Manileño sa Distrito 5…
Paano naman pong hindi magiging paborito ‘e mahusay na kasangga si Chairman.
Chairman, here’s wishing you all the best in life as you continue serving the people of Manila — again — HAPPY BIRTHDAY!
Kotong hindi traffic enforcers
ISA lang ang dahilan kung bakit hindi maresolba ang traffic sa Metro Manila, HINDI PROFESSIONAL ang mga traffic enfor-cers. Sa Maynila, madalas naming nakikita na nagkukumpulan ang mga enforcers sa bungad ng Lagusnilad. Anong trapiko ang aayusin nila roon? ‘Yun pala naghihintay sila ng magkakamaling para hulihin. Ganoon din sa tapat ng MET sa bahagi ng underpass, doon nakatambay ang traffic enforcers. Nagkakabuhol-buhol ang traffic sa blind curve sa MET patungong Quezon Bridge, pero wala silang pakialam. Wala silang ginawa kundi mag-abang nang mag-abang nag mahuhuli. ‘Yan po ang expertise ng traffic enforcers natin dito sa Maynila. Manghuli ng driver hindi ang mag-ayos at magpaluwag ng trapiko. BULOK talaga, PWE! +63918772 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com