PCSO Chairman Ayong Maliksi ‘iginagapos’ ng PCSO board pabor sa STL operators
Jerry Yap
November 28, 2015
Opinion
MASAKLAP itong kalagayan ngayon ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Ereneo “Ayong” Maliksi kung totoo ngang ‘napakahina’ ng kanyang convincing power sa Board of Directors (BOD).
Sabi ni Chairman Ayong, “Hindi ako makagalaw laban sa mga katiwalian ng STL operations. Nakagapos ang kamay ko sa kontrol ng mayorya ng PCSO Board.”
Hindi natin alam kung ang statement bang ito ni Chairman ay ekspresyon lang ng desperasyon o resignasyon?!
Alam n’yo naman sa PCSO, they’re running it like a business, kaya kahit Chairman pa, pero hindi kombinsido ang mayorya sa board sa kanyang desisyon o ideya, e hindi mangyayari ang gusto niya.
Natuklasan kasi ng National Bureau of Investigation na halos P3 bilyon ang napababayaan ng PCSO na bayarin ng STL operators para sa documentary stamp tax.
Ang nasabing halaga ay mula sa 10 porsiyentong butaw sa documentary stamp na dapat bayaran ng STL operators para sa benta ng loterya mula noong 2006 hanggang 2015 na umaabot sa P29 bilyon.
Sinisi ni Chairman Ayong si PCSO general manager Joy Rojas at ang kanyang management team dahil bigo umano silang makolekta ang sobrang laking halaga na dapat sana ay agarang nalilikom ng gobyerno sa pamamagitan ng BIR.
Bukod sa isyung P2.9 bilyong back taxes, marami pa raw dapat iwasto sa operasyon ng STL tulad umano ng beripikadong paggamit sa nasabing loterya bilang prente ng jueteng.
“Maging ang pagpapababa ng sales report ng mga operator mula sa kanilang aktuwal na benta ay gusto ko sanang maituwid, pero hinadlangan ito ng mayorya ng PCSO Board,” pahayag ni Maliksi.
Kanyang ipinaliwanag na anomang aksiyon o resolusyon na inihahain bilang tserman ng policy-making body ng PCSO ay ibinabasura ng mayorya ng Board na ang ilan sa kanila ay obyus umano ang pagkiling sa mga operator ng STL.
Medyo mabigat ‘yang pahayag ni Chairman Ayong at tiyak na marami ang aalma laban sa kanya. Pero kung kakampi ni Chairman ang NBI, tiyak na may kalalagyan ‘yang mga gusto siyang gapusin!
Pero sa totoo lang Chairman Ayong, hindi lang ‘yan ang problema sa PCSO, busisiin mo rin ang public information at advertising office ng inyong ahensiya.
Sandamakmak din ang iregularidad sa mga placement ng ADS diyan sa tanggapan na ‘yan, Chairman Ayong.
Milyon-milyon at malamang ay umabot na rin sa bilyones ang nalulugi sa gobyerno dahil sa mga irregular na transaksiyones na nagaganap riyan.
Hindi kaya muling mangitim ang mga buhok ni Chairman dahil sa dami ng kunsumis-yon na kinakaharap niya ngayon sa PCSO?!
Pasugalan sa Parañaque nina Bebot at Kris
WALA rin talagang patawad sina alyas Bebot at Kris na kilalang operator ng 1602 gaya ng dropballs at color games.
Napasok na rin pala ng tandem ang Gatchalian Subdivision sa Parañaque City at ipinagmamalaki pang may permit daw sa barangay ang kanilang ‘perya-sugalan.’
Mantakin n’yo ‘yun?!
Alam mo ba ‘yun Parañaque Mayor’s Squad chief, C/Insp. Rolando Santiago?!
Aba, ang alam natin ‘e naririyan ka para magwalis ng mga ilegal, hindi para mangonsinti ng mga perya-sugalan.
Huwag kang pakaang-kaang kupitan este Kapaitan Santiago!
Pabebe driver feeling bossing sa BI detention cell
INIAANGAL ng mga Bureau of Immigration (BI) CSU (civilian security unit) personnel at Confidential Agents na nakatalaga sa BI-Warden’s facility sa Bicutan ang isang Vemcy Pa-macho ‘este’ Camacho.
Masyado raw maangas kung makapag-utos at kung umasta raw ay daig pa mismo ang warden ng buong pasilidad!
Kontodo de-baril pa raw na nakasukbit na animo’y dating militar samantala dakilang hao-hsiao lang naman!
Alam kaya ito lahat ni Acting Warden, Atty. Vince Uncad?
I’m sure hindi agreeable kay acting warden ‘yan dahil knowing Atty. Uncad, we know that he is always cool as a cat.
Checking on Pamacho ‘este Camacho’s background, hindi pala siya dating military personnel na katulad ng mga naka-detail diyan sa pasilidad na ‘yan.
Siya raw pala ay dating driver ng isang Bureau of Customs official na BFF ni Comm. Miswa ‘este’ Mison!?
Dahil wala na umanong paglagyan si mamang tsuper kaya naipasok kahit anong posisyon sa BI.
Anak ng pusa!
So, sa madaling salita, ipinakiusap lang sa Bureau. Kaya pala sabi ng ibang urot na nakakikilala riyan, noong bagong salta pa lang sa Bureau, HAWI BOY sa mga dara-anan ni Miso ‘este’ Mison ang pinapapel n’yan.
Iyan din daw ang madalas makitang kasama sa mga picture taking ng grupo ni Pabebe-comm na kadalasan nakapuwesto sa harap para ma-recognize agad daw siya!?
Hahaha! At camera conscious pa pala ang ungas ‘este’ ang mama!
E ano naman ‘yung nabalitaan natin na kaya pala ngayon naka-detail sa Bicutan ‘yan dahil naaasar daw si Comm. Fred ‘dondon’ Mison dahil ibinangga pala niya ‘yung service vehicle na Hyundai Sta. Fe??
Ibinangga raw ang sasakyan sa isang container van diyan sa EDSA kaya sa galit ni lolo-boy ay pinababa na lang sila basta saka iniwan sa gitna ng kalsada!
Muntanga lang!
Ganyan pala ang istorya niyang driver con alalay na ‘yan tapos ngayon nag-aangas sa Bicutan?
So kayong mga nariyan sa BI-Warden’s Facility, since alam n’yo na ngayon, kung ano ang background ng isang ‘yan, papayag ba kayong i-bully na lang kayo ng isang driver/alalay na wala namang legal personality?
Sonabagan!!!
Ang gawin ninyo riyan, ibartolina nang matauhan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com