Friday , November 15 2024

Kongresista, kalaguyo kinasuhan ni misis (Sa Agusan del Norte)

BUTUAN CITY – Sinampahan ng reklamong Violation Against Women and Children (VAWC) ni Judy Chin-Amante sa City Prosecutor’s Office ng Cabadbaran sa lalawigan ng Agusan del Norte ang asawa niyang si Rep. Erlpe John Amante habang concubinage ang inihain laban sa sinasabing kalaguyo ng mambabatas na si Katrina Marie Mortola dahil sa pakikipagrelasyon sa lalaking may asawa.

Sinusuportahan ni Gov. Ma. Angelica Rosedell Amante-Matba ang kanyang hipag sa dahilang isa rin siyang ina, asawa at lider.

Ayon kay Gov. Matba, malaking kahihiyan ang dala ng kanyang kapatid na kongresista sa kanilang apelyido at sa legasiyang iniwan ng kanilang mga magulang lalo na’t pinatakbo pa niya sa pagka-mayor sa Cabadbaran City si Mortola.

Dagdag ni Gov. Matba, apektado na ang mga anak ng kongresista sa kanyang pinagagawa kung kaya’t sinuportahan niya ang ang kanyang hipag.

Hinihintay ang magiging kasagutan ni Amante sa isinampang kaso laban sa kanya.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *