Monday , January 6 2025

Hindi totoo ang ‘doomsday asteroid’

100115 doomsday asteroid
NAGING usapin ang iba’t ibang ulat ng ‘doomsday scenario’ sa pagwawakas ng mundo. Nitong nakaraang buwan, isa pang paggunaw ng daigdig ang kumalat bilang prediksiyon na isang dambuhalang asteroid ang pumapaimbulog tungo sa mundo, at maaaring tumama sa planeta hanggang sa unang linggo sa susunod na buwan ng Oktubre.

Kabilang sa mga nanghuhula nito ang self-proclaimed propetang si Efrain Rodriguez, na ang mga prediksiyon ay batay sa tinaguriang ‘Blood Moon Prophecy’ —- isang serye ng apat na kulay dugong buwan na naganap sa nakalipas na 18 buwan.

May katotohanan nga kaya sa mga ulat na ito?

Hindi ito pinaniniwalaan ng United States National Aeronautics and Space Administration (NASA).

Kasunod ng mga sinasabi sa social media na malapit na ang pagwawakas ng daigdig, nabunsod ang NASA na maglabas ng opisyal na pahayag ukol sa prediksyon bilang isang kalokohan lamang.

“Walang scientific basis para rito—wala ni isang ebidensiya—na tatamaan ang ating mundo ng malaking asteroid sa sinabing mga panahon,” pahayag ni Paul Chodas, manager ng Near-Earth Object office ng NASA sa Jet Propulsion Laboratory sa Pasadeña, California.

Ayon sa mga prediskyon, magaganap ang impact ng asteroid malapit sa Puerto Rico na siyang magbubunsod ng pagkagunaw ng planet Earth.

Tinugon ito ni Chodas na kung sakaling may magaganap ngang ganitong pagbangga ng asteroid sa mundo ay dapat lang na nalaman ito ng mga siyentista simula pa lamang ng taon.

Walang natagpuan ang Near Earth Object Observations Program na alinmang kometa o malaking bagay na banta sa mundo sa kalapit na panahon.

Sinabi rin ng NASA na may 0.01 porsyentong posibilidad na tumama ang isang asteroid sa ating planeta hanggang sa susunod na siglo.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *