Saturday , December 28 2024

Conjugal racket ng mag-asawang Corres sa Angeles pumutok na!

072514-angeles-visa-immigration-passportAYAN NA!

Pumutok na ang bulkan!

Kung pinansin o pinag-aralan man lang ng kasalukuyang administrasyon ng Bureau of Immigration (BI) ang halos dalawang taon na nating pinupuna at binabatikos na pagmamanipula ng mag-asawang Corres (Angeles Alien Control Officer o ACO Janice Corres at Albert Corres) sa pagpoproseso ng visa application ng mga dayuhan na ini-endoso ng Fontana Leisure Estate hindi na sana lumala nang ganito ang sitwasyon.

Ang huling impormasyon na nakarating sa atin, naghain ng petisyon ang mga personnel ng BI Angeles City kay Commissioner Siegfred Mison para imbestigahan at sibakin ang kanilang ACO na si Ms. Janice De Jesus-Corres, dahil sa ilegal na pagpoproseso ng visa extension ng Chinese nationals na ini-endoso ng asawa niyang Albert Corres, na isa namang opisyal sa Fontana Leisure Estate.

Ayon sa hindi na nakapagtimping grupo ng BI-Angeles personnel, hindi bababa sa 100 hanggang 200 passports ng Chinese nationals ang ipinapoproseso sa kanila kada linggo sa mahigpit na utos ni ACO Janice.

Aba, ibang klase talaga! Parang idineklara na ang BI-Angeles ay kaharian nilang mag-asawa?!                      

Sa kanilang petisyon, sinabi ng mga personnel sa BI Angeles, “We… seek for your appropriate actions to ensure the orderly operations of our office guided by the principle of transparency and accountability.” 

Nais umano nilang paimbestigahan ang “over suspicious Chinese nationals whose visas are being extended in our office.”

Mayroon daw kasing existing BI memorandum na nag-uutos sa kanila na maging lenient sa extension ng mga tourist visa  na ini-endoso ng Fontana Leisure Estate, isang kompanya na may operasyon sa loob ng Clarkfield, Pampanga.

Pero mukhang inaabuso na raw ang memorandum/pribilehiyong ito na maliwanag na disadbentaha sa Philippine government na ginagamit ang pangalan ng Fontana para sa personal na interes ng mag-asawa.

Hindi umano nakapagtataka ‘yan dahil sa takbo nga naman ng pangyayari ay mukhang magkasapakat ang mag-asawang Corres.

Si Albert ang lalaking Corres ang nagpapadala ng request for visa extension habang ang kanyang misis, si Janice, ang signatory sa visa extension.

Hindi ba’t malinaw na mayroong sabwatan sa ganyang  transaksiyon?!

Mismong ang mga personnel sa BI Angeles ang nagpapatunay na tinatanggap ang application without appearance at lumalarga ito ‘nang mas mabilis’ sa normal na proseso.

At mas madalas umano na kulang ang mga documentary requirements na naka-attached sa kanilang application forms.  

Kahit driver lang umano ng Fontana ang naghatid ng application forms ay agad itong ipinare-received ni ACO Corres dahil ito ay ipinadala umano ng kanyang asawang si Albert.

Madalas umanong ikinakatuwiran ni ACO Janice, gagamitin umano sa application ng mga dayuhan para sa Special Work Permit o Special Clark Working Visas, kahit na alam nilang wala iyon sa kanilang hurisdiksiyon dahil ang dapat na magproseso nito ay BI Clark One-Stop-Shop. 

Kaduda-duda rin umano na karamihan ng passports ay mula sa Chinese nationals na karamihan ay overstaying at nabibigyan ng extensions na mas mahaba pa sa regular visa extension.

SONABAGAN!  

Hindi ba’t visa-required at restricted nationals ngayon sa bansa ang mga Chinese national? ‘E bakit ang bilis makakuha ng ganyang pribilehiyo?!

Ayon sa mga petitioner, natatakot sila na baka sa huli ay sila pa ang masampahan ng kasong kriminal dahil malinaw na ito ay paglabag sa Immigration laws/Philippine laws. 

Bukod diyan, agad umanong pinareresibohan (official government receipts) ni ACO Janice kahit wala pa silang natatanggap na bayad.

Wala umanong magawa ang kahera at iba pang empleyado dahil karamihan sa kanila ay confidential agents (CA) lang.               

Ang mga aplikasyon para sa Emmigration Clearance Certificate na may pre-finger printed ay may espesyal na instruction umano mula kay ACO Janice na dapat nilang unahin dahil ito ay mula sa Fontana.

Again, ang utos ay tila may kasamang banta na hindi na mare-renew ang kanilang kontrata kapag hindi siya sinunod lalo na kung CA ang kanyang inuutusan.

Gaano rin katotoo na si ACO Corres ay business partner ng Shadow Travel Agency na nasa Barangay Dau, Mabalacat City, Pampanga?

Maliwanag na conflict of interest  ‘yan di  ba?

Hindi ba’t may ganito nang kaso na inihain laban kay ACO Corres sa DOJ noong panahon ni Commissioner Marcelino Libanan?

Tsk tsk tsk…

Ito na kaya ang wakas ng CONJUGAL RACKET nina ACO Janice at mister niyang si Fontana official Albert?

Sana naman!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *