Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bebot sinaktan, ginahasa ng ex-BF

NAGA CITY – Dumulog sa tanggapan ng Pagbilao MPS ang isang babae at kanyang ama kasama ang isang miyembro ng Municipal Social Welfare and Development Office para ireklamo ang isang lalaki dahil sa pananakit at panggagahasa sa biktima Pagbilao, Quezon.

Kinilala ang suspek sa pangalan na Carlo, 21-anyos.

Napag-alaman, nakipagkita ang biktimang si Ana, 18, sa suspek na kanyang ex-boyfriend sa isang restaurant para ibalik ang notebook makaraan ang kanilang break-up.

Matapos nilang kumain ay pwersahang sinakay ng suspek ang biktima sa kanyang sasakyan para makapag-usap sila tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Habang nasa loob ng kotse ay tinangka ng biktima na bumaba ngunit hinila at kinagat ng suspek ang palad ng biktima.

Walang nagawa ang biktima hanggang sa dinala siya ng suspek sa kanyang farmhouse para mag-usap at manood ng mga pelikula.

Ngunit nang nasa loob na ng farmhouse ay puwersahang hinubaran ng suspek ang biktima at ginahasa.

Nang matapos ang panghahalay ay tinangka ng biktima na umuwi ngunit pinigilan ng suspek.

Bunsod nito, nagbanta ang biktima na magsusumbong sa kanyang tatay. Ikinagalit ito ng suspek kaya kinaladkad ang biktima sa banyo at sinakal.

Sumigaw ang biktima at humingi ng tulong ngunit iniumpog ng suspek ang kanyang ulo sa sahig.

Makalipas ang isang oras, nang lumamig ang ulo ng suspek ay nakombinsi ng biktima na pauuwin na siya. 

Nang makauwi, agad nagsumbong sa kanyang ama ang biktima at sa tulong ng MSWDO ay nadakip ang suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …