Friday , November 15 2024

24 Pinoy may HIV kada araw — DoH

HINDI kukulangin sa 24 Pinoy bawat araw ang na-tutuklasang may Human Immunodeficiency Virus (HIV) kung pagbabatayan ang deklarasyon ng ng Department of Health – Epidemiology Bureau (DOH-EB) na isang Filipino ang nade-detect na mayroon nito kada oras.

Bunsod nito, nagbabala ang DoH na maaaring lumobo pa nang mahigit sa 133,000 ang mga bagong kaso ng HIV sa susunod na pitong taon kung patuloy na tataas ang trending nito.

Ayon kay DoH Secretary Janette Loreto-Garin, kung hindi mapapabagal ang pagkalat ng HIV at kung hindi maghahanap ng mga paraan upang maiwasan ang pagkahawa ng HIV infections ay aabot sa karagdagang 133,000 ang bilang ng posibleng mga indibidwal na may HIV pagsapit nang taong 2022.

Una rito, naitala ang 20,000 bilang ng mga bagong kaso ng HIV infection simula 2010 hanggang taong 2015.

Makikita sa pinakabagong HIV & Aids Registry na tumaas ng 29,079 ang kabuuang kaso ng HIV, samantala noong simulang ilunsad ng United Nations (UN) ang Millenium Development Goals (MDG) noong 2001 ay mayroon lamang 174 ang kanilang naitala.

Malinaw na sinasabi ng mga resulta ng datos na hindi naisakatuparan ng Filipinas ang MDG ng UN pagdating sa problema sa HIV.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *