Monday , December 23 2024

Polish mountainer, Pinoy guide missing sa Mt. Kanlaon

BACOLOD CITY – Patuloy na pinaghahanap ang isang Polish trekker at kanyang guide na sinasabing nag-mountain climbing sa Mount Kanlaon bago nangyari ang steam emission nitong Lunes ng gabi.

Sinabi ni Canlaon City, Negros Oriental Mayor Jimmy Clerigo, pinagbigay-alam ng kanilang tourism office ang tungkol sa pag-akyat ng Polish mountain climber na si Anna Hudson at guide niyang si Balmer Villar sa Mount Kanlaon ngunit sinabing hindi dumaan sa entry points na sakop ng kanilang lungsod.

Ayon kay Mayor Clerigo, maaaring sa ibang bahagi ng bulkan dumaan ang dalawa dahilan upang hindi sila nakapagparehistro sa entry points sa Brgy. Masulog at Brgy. Malaiba, Canlaon City.

Ngunit nakatanggap nang impormasyon ang alkalde na bago nangyari ang pagbuga ng usok ng bulkan ay nakababa na sina Hudson at Villar.

Sa kabila nito ay nagtutulungan ang mga rescue team sa paghahanap sa dalawa.

Sa ngayon, nananatiling nasa alert level 1 ang bulkan at mahigpit na ipinagbabawal ang lumagpas sa 4-kilometer permanent danger zone.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *